Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [META] Merit Analysis - Pilipinas Local Board
by
blockman
on 05/07/2025, 08:02:18 UTC
Darating din tayo diyan. Yung efforts mo at ng bawat isa ay magiging sulit. Kung tutuusin madaming pinoy dito pero hindi kasi counted ng campaigns nila ang local board kaya siguro bumibisibisita lang sila pero hindi na nakikijoin sa mga discussions. Kahit papano gumagalaw naman ang local board natin at unti unti na yan. Kapag dumami ang allotted sayo bilang MS at kung madagdagan man ng isa pang MS sa atin, panigurado yan mas dadami ang magiging motivated.

Madalang din kasi may magsimula ng thread di tulad sa ibang boards na araw-araw may bagong topic. Dito sa local section natin pansin ko na mabagal ang galaw ng mga post. Yung page 1 ng topic board natin, halos last month pa ibang last reply meaning madalang may nagrereply sa bawat thread.

Suggestion ko dapat magkaroon tayo ng sub-section ng local board natin para yung ibang kababayan natin makagawa ng topic dipende sa sub-section na yun. Yung concept same sa subreddit, may reddit group para sa pagkain, games(online games, etc.), current ph trend, etc. di lang puro tungkol sa crypto pero syempre maintain healthy discussion pa din unlike sa reddit. Ganun yung naisip ko para dumami mag-engage sa local board natin.
Maganda sana yan pero masyadong dadami ang sub-sections at nakadepende na yan sa mod/admin natin. Pero depende pa rin kasi talaga, kung sa mga normal topics na meron tayo at hindi naman engaging kahit na interest na rin ng lahat at kokonti lang ang nage-engage. Kokonti lang din at baka maging display lang din ang mga sub-boards/sections na idadagdag. Pero ganun pa man, darating din siguro ang araw na yan kapag dumami dami tayo o kahit hindi dumami ang mga additional members basta dumami ang mga active dito sa local natin.