~~~~~
Nanganganib rin ang mga operators na ito dahil mawawalan sila ng kabuhayan kapag nagkaroon ng total ban ng gambling dito sa bansa. Pero agree ako sa sinasabi nila. Mas dadami lang ang illegal gambling dito sa bansa kung maban ang gambling. Palibhasa mukhang mas gusto ng gobyerno ng quick fix at ayaw ng masyadong magtrabaho.
Maaring mawalan ng trabaho ang IILAN na nagtatrabaho sa mga online casino na ito, pero maraming buhay at kabuhayan ang kayang maisalba.
Maraming pamilya ang hindi masisira dahil sa pagkawala nila. Hindi ako pabor sa online gambling dahil sa kapabayaan ntio na nagdudulot sa pagkalulon ng maraming Pilipino at pagkasaira ng maraming pamilya at tahanan.
Kung babalikan ang aking mga tugon tungkol sa online gambling ang hindi talaga ako pabor sa ganito, pero may iilang mga punto na tama rin na huwag itigil lahat.
Isa ito sa pinagkukunan ng gobyerno para sa mga gastusin (huwag sana sa sariling bulsa) Pagcor rin ay may mga donations at assist para sa mga mahihirap. Tulad ng PCSO na tumutulong sa mga hospital bills.
Pero dapat ay limitahan ang mga ONLINE casino pababain ang numero na nag-oorganisa. Ibaba sa 10-20 lamang.
Taasan ang singil sa pagkuha ng lisensya upang makapag operate. (x10 sa orihinal)
Para maging patas ibidding ang mga lisensyan ito sa na isasapubliko upang mamaximize ang kita ng gobyerno sa lisensyang ilalabas dahil limitado lamang.
Mariin ipatanggal ang mga ito sa mga E-wallet, bawal na bawal silang makita kahit ads lamang.
Kung magdedeposito, taasan ang minimum na maaring ipasok na pera upang hindi basta basta makapaglaro ang walang sapat na kakayanan.
BAWAL ipalabas sa telebisyon ang ads ng kahit anong sugal o casino.
BAWAL ang mga karatula o billboard sa anumang daanan o gusali.
KYC ang ipatupad bago makapaglaro sa isang online casino.
Marami pang dapat idagdag, marami pang paghihigpit ang dapat.
pero dapat uinahin itong mga ito. Ipatigil ang paglalabas ng lisensya at repasuhin maigi ang mga lisensya ng iba.
Taasan ang multa at habaan ang pagkakakulong ng sinomang mahuli na nag-iiperate ng online casino na hindi lisensyado.
Bawal ang sino mang artista o sikat na nilalang ang mag promote ng sugal.
Bawal ang mag stream or live or post ng kahit anong video ng sugal o casino ng sinomang vlogger dito sa bansa.
