Grabe nga yang balita na yan, hindi marunong humandle ng pera ng mga tao sa gobyerno. Ininvest sa pagbili ng Digiplus tapos talo dahil sa mga balitang lumabas. No choice yan kung hindi ihold na hanggang magbreak even pero ang tanong hanggang kailan?
Walang alam sa trading, bibili kung kailan peak na. Dapat hindi nalang bumili.Baka madamay pa ang Bitcoin at crypto sa mga pangyayaring to dahil baka maisip ng mga mokong nato na super risky ang Bitcoin dahil sa mga kamalian nila.
Tingin nyo may epekto kaya ito ky Bitcoin at Crypto? Ano ang opinyon nyo sa mga nangayaring ito?
Tingin ko wala namang epekto yan. Ang stock na pinag investan naman ng GSIS ay pure gambling at hindi naman ganun ang Bitcoin at ibang crypto saka malabo na mag invest ang isang ahensya ng gobyerno sa Bitcoin dahil nga speculative. Ang nakakatakot lang baka sumunod yung SSS at iba pang agencies na may malaki pang pondo, unti unti ata nilang sinisimot sa maling paraan ang pondo ng Pinas, mapa maling investing, mapa ayuda at iba pang kalokohan na pinaggagawa nila. Ang balita ay barkada ata daw ni BBM yang si Jose Wick.