Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin > Philippine Peso | (20% Tax on Interest Income)
by
finaleshot2016
on 19/07/2025, 20:33:21 UTC
Wala na talaga yan silang magagawang tama, kaya di na ako magtataka balang araw tatargetin na talaga yung iba pang ways of investment at pati crypto para magatasan din. Sabi naman nung iba maliit lang naman daw kung maliit savings, wag daw masyadong problemahin, pero kung tutuusin ang laking pera non since madami na rin nagiipon ngayon especially sa mga new banks offers na oks interest, kaya malaki makukuha ng gobyerno pero wala naman din pakinabang ang mga Filipino dyan. Hindi nga ma-improve yung mga importanteng sektor katulad nalang sa digital goods, puro kabig, walang improvement sa tech side.
Kung gusto niyong mag invest gamit ang PHP, ang pinaka best para sa akin ay sa MP2 na lang since sinabi ni kabayan na time deposit at peso bonds lang. Pwede rin sa stock market, pero mainam na ilagay ito sa mga blue chips na nagbibigay ng mejo mataas na dividends at kung mag iinvest kayo sa Stock Market, maganda ito para sa mga long-term investors.
Agree to this one, mas okay pa ang MP2 ng pagibig kesa sa investment if peso ang usapan. Ito yung isa sa tax exempt as of now at yung isang tinatawag na "PERA" pero same thing din yan nung umingay yung time -deposit na naglabasan mga digital banks, sana naman hindi mangyari.