Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Local operators push against total ban on gambling
by
gunhell16
on 20/07/2025, 14:10:11 UTC
Total ban agad ang sugestion without considering the loss of revenues of government and jobs ng rating mga kababayan, hindi ba dapat strict regulation muna at matyagan natin kung bababa ang bilang ng mga masyadong nahihilig sa sugal.

Actually dito natin makikita kung magkakaroon ng strict implementation ng total ban ng gambling dito sa Pilipinas. We all know na even if may batas na pinagbabawal mag gambling, gagawa at gagawa ng paraan mga ibang tao para circumvent ito.

Sana din seryoso ang gobyerno natin sa pag-ban at hindi "for publicity" lang para maipakita na may ginagawa sila. Baka pagkalipas ng ilang buwan at humupa na ang mga issue related dito, maglabasan na naman ang mga gambling ads sa kung saan-saan.

Malaki ang tax na nakukuha nila sa gambling kaya duda din ako na seryoso ang aksyon nila. Agree ako kay coin investor na dapat magkaroon na lang ng strict regulation dahil ang iniiwasan natin dito ay dumami ang mga minors na natututo magsugal dahil sa accessibility ng mga online gambling apps.


Okay lang naman sana yung pagban kung mga ilegal casino ang matuklasan nila na nagooperate ng hindi tama. Pero kagaya mo nga hindi rin ako naniniwala na seryoso ang gobyerno natin sa bagay na yan.

Dahil puro papogi lang ginagawa ng mga yan,  mas pa nga yung dati nung time ni Digong talaga na pogo at least sa ibang bansa yun at ang mga players sa ibang bansa din hindi sa bansa natin ang community at transparent sa mga nakokolektang buwis unlike ngayon wala na ngang transparency kung magkanong buwis ang nakukuha eh ginawa pang sugarol mga kababayan natin.