Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Umaksyon na ang government, ilan sa sikat na influencers ban na sa FB.
by
blockman
on 21/07/2025, 22:31:17 UTC
Hindi ako follower ng mga yan. Meron pang isang malaking page yung kay Yalu_ok. Nasuspend din ng facebook. Ang sabi sabi sa mga nabasa ko ay dahil nag promote sila ng unlicensed casino kaya na take down sila.

Pero kung seryoso talaga ang gobyerno na ayusin ang problema sa sugal, dapat kausapin nila lahat ng nagpo-promote.
Kahit hindi ito violation sa Meta, at least magawan ng paraan ng gobyerno na makausap sila at sabihang tigilan na ‘yung ginagawa nila.

Oo, kumikita sila pero ang mga mahihirap nating kababayan, lalo lang nalulubog sa hirap.
Tingin ko yung mismong meta ang nagdecide dito at nireport lang ang mga pages na yan. Hindi naman hawak ng gobyerno ang Meta pero may choice sila kung susunod ba sila sa gusto mangyari sa mga pages ng mga yan. Sayang yung pinaghirapan nila pero hindi na din ako magtataka kung ilang araw baka ibalik yang mga pages nila.