Tingin ko yung mismong meta ang nagdecide dito at nireport lang ang mga pages na yan. Hindi naman hawak ng gobyerno ang Meta pero may choice sila kung susunod ba sila sa gusto mangyari sa mga pages ng mga yan. Sayang yung pinaghirapan nila pero hindi na din ako magtataka kung ilang araw baka ibalik yang mga pages nila.
Matagal na silang nagpo-promote ng illegal gambling. Kung si Meta mismo ang gumawa ng aksyon, sana noon pa sila na-ban. Kaya lang, ngayon lang 'yan nang umaksyon na ang government, posibleng may recommendation galing sa gobyerno at na-verify ng Meta, kaya ayun, saka pa lang sila na-ban.
Posible nga may nag recommend at nireport sila. Mukhang silent action ito ng gobyerno pero may resulta. Sana nga dati pa nila ito ginawa para yung mga iligal na gambling sites na yan ay magkaroon ng time para mag comply sa requirements ng gobyerno para maging operational sila, tulad ng iba pang mga legit na gambling sites at licensed ng PAGCOR. Pati pala si hypebits na sobrang livestream lagi ng pinopromote niyang casino ay nawala na din yung page. Sayang yung kay boy tapang at sachzna pero baka mag appeal sila na ibalik yang pages nila.