Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin > Philippine Peso | (20% Tax on Interest Income)
by
gunhell16
on 25/07/2025, 13:10:48 UTC
Na gets ko na siya. Tama ako na may 20% withholding tax na dati pa pero sa mga short term time deposits lang na kumita ng interes at regular savings na kumita ng interest. Dahil dati pala yung 5 years time deposits ay zero tax. Sa ngayon, lahat na mapa short term o long term time deposits ay may 20% na. Kaya yun lang ang kaibahan at mali lang din ako na pang unawa na akala ko ay idadag sa dating 20% na withholding tax. So all in all, 20% na talaga siya pero minodify lang para na din sa mga long term deposits na kumita ng interest rates na dati ay 0% tax sila.

Basta malinaw ang naiintindihan ko dyan ay kapag nag-ipon ka ng pera through sa time deposit o nasa bank account lang natin ay halimbawa makaipon ka ng 250k sa pesos hindi ko lang alam kung kada taon iniimplement yang 20%, ibig sabihin kung iful out mo na yan ay nasa 200k nalang yung mailalabas natin.
Hindi mababawasan yung deposit mo. Yung 250k pesos mo, kikita ng interest at yung interest na kinita mo ang may deduction na 20% tax at oo, whole year round yan. Meaning kung ang bangko ay nagcredit ng interest income per month, buong taon yan buwan buwan may bawas na tax.

Oo nga sa interest nga ibabatay yung 20% pero malaking bagay parin yan, isipin mo nalang kung halimbawa 100 pesos yung interest natin ay maliit na nga lang yung interest ay walang patawad ang gobyerno natin na makikihati pa sa small sum na ito.

Lahat nalang ng pwede nilang makupitan ay gagawin nalang ng gobyernong meron tayo sa ngayon, sobrang gahaman na ang gobyerno talaga natin ngayon, akala ko mga aquino ang worst na mga taong nakita ko sa history ng bansa natin kundi ang mga marcos pala talaga yung worst leader ever talaga.