Dahil sa bagong panukala ni HON. MIGUEL LUIS R. VILLAFUERTE (House Bill 421) na ang Pilipinas ay magkaroon na rin ng Bitcoin Reserve. Maari nating silipin sino-sino bang bansa ay may Bitcoin as reserve sa ngayon. Maaring kulang pa ang listahan at mayroon pa na hindi natin alam, o hindi ko lang nadagdag, mag comment lang kayo at isasama ko sya sa listahan. Pinilit kong hanapin ang pinabagong datos ng mga bansa na to.
[REMOVED IMAGE] 
Bansa | Tinatayang Hawak na Bitcoin | Mga Tala | % sa 21M Supply |
Estados Unidos | ~198,000 BTC (kumpiskado) | Karamihan ay mula sa kumpiskadong kriminal na kaso (hal. Silk Road, Bitfinex hack) | 0.952% |
Tsina | ~190,000 BTC (kumpiskado) | Nakumpiska noong PlusToken scam imbestigasyon, 2020 | 0.905% |
United Kingdom | ~61,000 BTC (kumpiskado) | Hawak mula sa money laundering cases; walang formal reserve policy. Kabilang ito sa apat na pinakamalaking holdings | 0.292% |
Ukraine | *~46,000 BTC (donasyon) | Isa sa may pinakamataas na Bitcoin adoption rate sa Europa | 0.219% |
Bhutan | ~10,000 BTC (mina) | Lihim na nagmimina ng Bitcoin gamit ang hydro power mula 2020 | 0.062% |
El Salvador | ~6,200 BTC | Unang bansa na nagdeklara ng Bitcoin bilang legal tender (2021) | 0.028% |
KABUUAN | ~511,000 BTC | Pinagsamang hawak ng mga bansang ito | ≈2.43%(approx.) |
So kung ma-approved ang House Bill 421 ni Villafuerte, baka pwede na tayong madagdag sa listahan.

*
May mga balita na walang ebidensya na may hawak ang Ukraine ng ganitong karaming BTC. https://news.bitcoin.com/there-is-no-evidence-ukraine-holds-46000-btc-despite-widespread-claims/
Estados Unidos - https://intel.arkm.com/explorer/entity/usg
United Kingdom - https://intel.arkm.com/explorer/entity/uk
Bhutan - https://intel.arkm.com/explorer/entity/druk-holding-investments
El Salvador - https://intel.arkm.com/explorer/entity/el-salvador
Tsina - https://cryptonews.net/news/bitcoin/29394835/