Mahalaga talaga na maging lowkey lang at huwag masyadong mahilig magkwento kung kani kanino ng mga crypto investments mo. At sa totoo lang, hindi lang ito dapat sa crypto. Maging sa kung magkano ang savings at sweldo mo ay dapat pribado lang yan at walang ibang nakakaalam kung hindi ikaw lang.
Kayo? Anong hakbang ang inyong ginagawa sa ngayon para ma-protektahan ang inyo sarili sa ganitong klaseng atak?
Huwag lang talaga maging mahilig sa pafe-flex. Dahil yung flexing culture sa bansa natin na mahilig magpaimpress sa ibang tao, hayaan mo nalang yan sa mga mayayabang talaga tapos ikaw manahimik ka nalang kung anong meron ka ngayon.