Ahh, kala ko yung mga ads. At sa mga crypto gurus na yan, normal na yan at sanay na tayo na kapag bull run biglang dami sila. Popost yung mga gains nila na tipong galing daw sa trading pero normally, galing sa spot holdings nila yun. Sa tingin mo na pupunta tayo sa ganyang algo dahil alts season nanaman, posible naman yan at hindi yan sila mawawala dahil lagi lang din nakaabang yan. Tipong kala nila yung mga calls nila sila yung paldo pero sa totoo lang, gatas na gatas nila yung market at yung audience na tingin sa kanila ay sobrang galing. Basta post ng chart, konting motivation, tapos %+ na gain = engagement na yan sa kanila.
Yung nga eh, nag take lang ng screenshot pero hindi nag take ng profit at sa huli natalo parin dahil ang market is 24/7 open at ang volatility nandiyan talaga lalo na if altcoin yan.
At yung iba naman panghahyped lang din ang ginagawa the usual things na ginagawa ng mga naunang fake gurus, tapos sasabihin nila na magjoin sa tg group of channel nila na hindi raw naniningil pero pero pag signal na yung binanggit ay dun na sila aatake ulit ng pera peraan hehehe

Yan yung isang mga red flag ko if ever mag asks sila na mag join sa mga groups nila kasi in the first place libre yun pero in the end mag asks na sila sa mga trades nila na kunwari para sa mga malakas lang signal dapat nag join ng premium channels o group. Just lmao. 😂
Nalalaman nila yan sa pixels, may mga website kasi na nagbibigay ng info sa pixels kung ano or saan tayo interesado kaya magugulat ka nalang akala mo nababasa ng socmeds ang utak natin but behind the scene ayun yung nagwowork, every website natatrack ang user activity natin at pinapasa yun sa google, facebook at kung ano para malaman san tayo interesado kaya don na lalabas yung mga personalized ads o may specific demographics kung san tayo category at interested.
Kaya nga eh pero meron din naman talaga si FB/Meta ng tinatawag na boost posting at may mga target audience kaya yun ata rin ang posibleng sagot diyan. Well, if ever I encountered ng mga ganito ginagawa ko talaga click agad sa "Not interested" o mute yung mismong poster.