Ahh, kala ko yung mga ads. At sa mga crypto gurus na yan, normal na yan at sanay na tayo na kapag bull run biglang dami sila. Popost yung mga gains nila na tipong galing daw sa trading pero normally, galing sa spot holdings nila yun. Sa tingin mo na pupunta tayo sa ganyang algo dahil alts season nanaman, posible naman yan at hindi yan sila mawawala dahil lagi lang din nakaabang yan. Tipong kala nila yung mga calls nila sila yung paldo pero sa totoo lang, gatas na gatas nila yung market at yung audience na tingin sa kanila ay sobrang galing. Basta post ng chart, konting motivation, tapos %+ na gain = engagement na yan sa kanila.
Yung nga eh, nag take lang ng screenshot pero hindi nag take ng profit at sa huli natalo parin dahil ang market is 24/7 open at ang volatility nandiyan talaga lalo na if altcoin yan.
Ganyan talaga style nila at marami naman ng nag call out sa mga yan at may mga influencers din na nilalabanan yang mga yan. Gusto ko sana mag name drop pero hindi naman siya sa crypto, sa ibang market naman siya pero madaming ginagawang kaperahan lang yung mga followers niya. Paulit ulit lang na mangyayari yan hangga't may mga nagpapauto. Kasi feeling nila kapag nagbayad sila sa mga potential courses na binebenta nila ay premium ang matutunan pero halos parehas lang sa libre at DYOR na style.