Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Maging maingat patungkol sa ating Crypto
by
blockman
on 27/08/2025, 20:47:16 UTC
Tama na konti lang yung sa totoong buhay natin ang nakakaalam ng totoong achievements natin. Mas okay din naman kahit wala para walang aasahan sayo ang tao. Yung kultura kasi dahil sa social media at flexing nagstart yan sa mga influencers na uhaw sa validation ng mundo at tao sa social media. Kaya ang sistema tuloy ang akala ng marami ay dapat meron kang ganito, meron kang ganyan na dapat ay ipangalandakan mo sa ibang tao sa publiko mapa personal man yan o sa social media. Mas maganda talaga na maging low profile lang tayo para iwas sa mga ganyang problema.

Mga kumag naman kasi yang mga influencers na yan nakalasap lang ng konting kita ay akala mo kung sino ng nakaangat sa buhay ang mga tolonges sabi nga ni yorme.
Kaya yang mga nagpapakita ng pera na yan ay talagang mga kumag talaga.

Pano naman kasi may mga ibang tang* ding kasing mga pinoy parin ang naniniwala sa mga pagpapakita ng pera ng mga manlolokong influencers na ganyan, palibhasa mga sakim at ganid din kasi sa pera. Wala ng easy money ngayon matagal ng panahon na, ang mali kasi ng iba iniisip nila meron paring easy money kaya resulta sila din ang nahihirapan dahil sa keengotan nila.
Alam din kasi ng mga influencers na effective yang technique na yan sa social media. Ang mga tao kasi uhaw sa mga contents na madaming pera at ano ang pagkakakitaan na kahit niloloko lang sila harap harapan ay bibilhin pa din nila sa paniniwala nila na totoo yung sineshare sa kanila. Nakakalungkot lang kasi na nasa kultura na nating mga pinoy ang gusto ay easy money at hindi pinapahalagahan ng nakararami yung tungkol sa hard earned money. Ang akala nila lahat ay may easy money na pati ang pag invest sa Bitcoin ay easy money din.