Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Maging maingat patungkol sa ating Crypto
by
blockman
on 25/08/2025, 14:28:19 UTC
Kayo? Anong hakbang ang inyong ginagawa sa ngayon para ma-protektahan ang inyo sarili sa ganitong klaseng atak?
Huwag lang talaga maging mahilig sa pafe-flex. Dahil yung flexing culture sa bansa natin na mahilig magpaimpress sa ibang tao, hayaan mo nalang yan sa mga mayayabang talaga tapos ikaw manahimik ka nalang kung anong meron ka ngayon.

Pansin ko na marami sa kababayan natin uhaw sa validation. Ginagawa din natin ang ginagawa ng mga kilalalang personality sa social media para mataas din tayong tingnan ng mga tao.

Hindi masama magflex pero dapat sa mga piling tao lang dahil hindi lahat masaya sa mga magandang bagay na naabot mo. Mas mainam na yung iilan lang nakakaalam ng achievements mo para iwas inggit na din sa iba.
Tama na konti lang yung sa totoong buhay natin ang nakakaalam ng totoong achievements natin. Mas okay din naman kahit wala para walang aasahan sayo ang tao. Yung kultura kasi dahil sa social media at flexing nagstart yan sa mga influencers na uhaw sa validation ng mundo at tao sa social media. Kaya ang sistema tuloy ang akala ng marami ay dapat meron kang ganito, meron kang ganyan na dapat ay ipangalandakan mo sa ibang tao sa publiko mapa personal man yan o sa social media. Mas maganda talaga na maging low profile lang tayo para iwas sa mga ganyang problema.