Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ramdam niyo ba mga feeds sa social media niyo regarding crypto?
by
gunhell16
on 28/08/2025, 10:59:50 UTC
---
No, no, hindi yan ang punto ko. What I mean is padami ng padami na naman yung mga nagsusulputang mga crypto gurus at base sa mga content nila at puro calls or di kaya mga paldo na latag. I know how the algo works pero ang punto ko talaga is parang papunta na naman tayo sa alt season kung saan ang dami na namang mga tanong ng mga gustong sumubok sa crypto base sa mga feeds na nakikita ko at sa mga comments narin.
Ganito ang trend hindi lang sa atin pero pati rin sa ibang mga influencers sa labas ng bansa natin.

Kapag bull market, dumarami ang mga content creators na nag cocontent ng kanilang mga gains tapos manghihikayat. Dumarami ang mga influencers na nagmukukhang magagaling dahil kumikita sila at pinapakita nila yun sa channel nila. Dumarami ang mga taong nanghihikayat ng mga baguhan na ang iba sa kanila ay nagbebenta pa ng mga kung ano-ano para lang makasali. Kapag bear market na, nagiging silent na ang mga ito dahil hindi na sila kumikita dahil pabagsak na ang market. Hindi na sila kumikita sa trading dahil bumababa na ang value ng kanilang mga holdings. Nakakahiya sila sa totoo lang pero wala tayong magagawa dahil at the end of the day, mayroon pa ring mga baguhan na mahuhulog sa kanilang patibong.

Anyway, dumarami na nga talaga ang mga nakikita ko sa social media. Mga taong mga "GURUS" kuno pero pag bear market, hindi mo na mahagilap. Grin Hinahayaan ko na lang din dahil alam ko naman kung sino ang mga dapat kong i-follow base sa kanilang content sa loob ng maraming taon.

Madami akong nakikitang ganyan, like yung si @TITO vlog ba yun na nagtuturo ng trading pero napakabasic lang yung mga sinasabi nya, pero feeling entitled professional traders. Naalala ko meron napadaan sa tiktok at yung channel nya bumulaga sa akin at may nagtanung sa post dun sa live nya ata yun habang nagtetrade siya ay tinanung siya kung magkano daw ang minimum deposit sa pagsisimula ng actual trade at ang sinabi nya ay mababa naraw ang 100$ pwede naraw panimula.

Napailing nalang ako sa matandang ugok na itong si @TITO vlog nagcomment pa nga ako sa live vlog nya ang sabi ko nagtuturo ka ng trade and yet ang sagot ko ay kahit 15$ lang pwede ng makapagsimula ng trade whether spot or Futures tapos malaking halaga agad ang sinabi mo(TITO vlog), mga ewan nga na maituturing sobrang nairita ako sa sinabi nyang yun.