Oo nga, may ganyang mga pagkakataon talaga. At valid din naman ang ginagawa ng SEC at totoo yang mga ganyang issue na may mga suicides na nangyayari dahil hindi nila kinakaya kung paano maningil itong mga lending apps na ito. Pero simple lang din naman kasi yan, basta umutang ka, dapat bayaran mo. Malaki man o maliit, dahil noong gipit ka ay pinagbigyan ka at tuparin ang napagkasunduan sa bayaran.
Yun Sana ang Tamang approach kabayan, utang kasi yan at obligasyon na dapat bayaran kaya dapat bago ka nangutang meron kang inaasahan na pambayad, nangyayari kasi madalas kinakalimutan un bayaran kaya nauuwi sa ganitong sitwasyon, mas maganda wag ka na lang. Mangutang kung ayaw mong mauwi ka sa ganyan problema. Mas maigi na lang siguro kung ganun.
Ayan ang masakit sa ating mga kapwa pinoy. Sobrang bait kapag uutang, tapos kapag napagbigyan parang kakalimutan nalang. Mapa-banko man o personal na kakilala. Sana magbago na ang attitude ng karamihan sa kanila kapag umutang. Maging responsable nalang para maiwasan yung girian. Kasi noong nangangailangan at nasa panahon ng gipit ay sa utang lumapit at pinagbigyan naman. Kaya ako kapag may lumalapit sa akin, sinasabi ko nalang na wala akong budget para sa utang dahil malaki laki na din ang personal napautang ko sa mga kamag anak at kaibigan pero walang bumalik at nakaalala.