Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paggawa ng film for satoshi and FTX
by
gunhell16
on 04/09/2025, 12:23:46 UTC
Hindi ako excited sa totoo lang lalo na sa paggawa nila ng film para kay Satoshi.

Ung FTX mejo okay pa na gawan ng documentary sa kung ano ang history ng company pero ung paggawa ng film patungkol sa isang tao na wala naman silang impormasyon sa kung sino ito, or kahit clues man lang kung sino si Satoshi? Hindi ko alam kung magiging impactful ito or tatangkilikin ng mga mga taong involved sa Bitcoin. Well, sana nga may panibago silang impormasyon na ilalabas patungkol kay Satoshi na makakatulong hindi kagaya nung nakaraang documentary patungkol sa Bitcoin at kay Satoshi na wala man lang bagong impormasyon.

Sana mali ako pero hindi ako hyped pagdating dito. Papanoorin ko ba? Siguro titignan ko muna kung anong comment ng mga nanood bago ako magdedecide.

Oo nga noh, hindi ko naisip agad ito na wala nga palang nakakaalam hanggang ngayon kung sino si Satoshi Nakamoto, pano nga naman nila maipapalabas na makatotohanan ang ganito kung none of them or us ay wala naman talagang nakakaalam. Baka maging flop nga lang ang movie pala kapag tinuloy parin nila ito.

Galing mo dude ah naisip mo yan, hindi ko talaga naisip yan, anyway kung anu pa man ang gawin nila ay kung makakatulong naman sa market ng bitcoin industry ay good kung ganun, ngayon kung makakapagdulot naman ng hindi maganda ay yun lang ang magiging problema.