Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Blockchain Bill
by
gunhell16
on 06/09/2025, 12:59:06 UTC
Hindi ko alam paano tumatakbo itong mga proposed bill. Kung kapag kopyado ay may authorization ba ng naunang nag file para dalawa silang ma-credit kapag ito ay naisabatas na. Maganda naman ang bill na ito para sa pagkakaroon ng transparency at makita ng tao kung saan mapupunta ang bawat piso ng pondo. Dapat isapubliko din ang blockchain na gagamitin kapag may napili na sila, kasi pagkaalala ko ay yung venom blockchain yung malapit sa gobyerno dahil sa mga naunang launching dito sa bansa natin. Style na siguro si Senator yang ganyan katulad doon sa free education/college law.

Maraming ganitong pangyayari na proposed bill tapos hindi maaprubahan then irerecycle ng ibang politiko. Hindi rin naman sila ang nagclaim nito or nagbansag sa kanila pero totoo ang sinabi nilang sila nag propose pero di nila sinabing sila ang original
Siguro nagiging co-author nalang din ng proposed bill yung most recent na nagproposed at may credit din at magiging co-author din yung unang congressman na nagpropose nun. Parang ganito nga nangyayari sa karamihan ng mga bills na nakabinbin at nareject pero parang may ruling din ata na kapag umabot sa bicam ay rekta 2nd reading na. Siguro ito rekta 2nd reading na.

alam nyo bang ang naging main player sa bill ni sen BAm noon ay ang pirma ng Pangulong Duterte? YES! hindi ito inaprubahan ng mga mambabatas pero pinirmahan at pinondohan ng Presidente noon. so ganun din ang mangyayari ngayon. maerecycle lang ito if hindi lalagdaan ng pangulo.
Ito nga rin nababasa ko kaya collective effort talaga yan ng mga mambabatas pati ng presidente na pumirma.

Kung nung panahon ni Du30 pinirmahan nya yan at nagkaroon lang ng problema sa mga mambabatas na meron tayo nung time na yan, edi mas lalo na ngayon na malabong pirmahan yan ngayon ni BBM kasama ng mga achuchu nyang mga buwaya din na katulad nya. Siyempre hindi sila papayag, dahil makikita ng mamamayan ang budget sa loob ng isang taon at hahanapin kung saan ito napunta o pano ito ginastos.

Dahil ang mga magnanakaw hindi nila ipapakita kung magkano at pano nila ito nanakawin, gagawin nila itong nakawin ng pasikreto na katulad ng ginagawa nila ng ilang taon narin sa kaban ng bayan natin sa bansa.