Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Blockchain Bill
by
blockman
on 08/09/2025, 23:14:49 UTC
Tingin ko tama si BALIK dito, kahit na maging transparent ang blockchain at doon ilalagay yung data ng budget ng gobyerno at saan ito mapupunta. Pwede pa rin dayain bago nila ilagay yung data na ilalagay nila o kung magkanong budget. Kaya, bago man ilagay sa blockchain yung mga information na pwedeng magkaroon ng public viewing ay baka mabawasan na nila yung halaga dahil hindi makita ang korapsyon doon sa nilatag nilang mga data.
Eh di, mag ko-conflict yun sa information na nakalagay sa mga publicly available na budget, which is malalamang na mali din ang linagay, kaya there will be doubt kung tama ba gingawa ng gobyerno. Alam ko may website ng gobyerno na blockchain na din about sa budgets eh, it was posted na din sito sa local.

Ang question dito, is how safe the software is, since were talking the budget, at pundo ng bansa. The hacking and data breach issue na naman.
Tama ka din tungkol diyan. Ang dami pala dapat isaalang-alang kapag patungkol sa budget o pondo ng bansa natin. Sana meron ding public consultation na may alam talaga sa industry. Pero base sa nakikita natin parang rekta na agad at signing na agad ng deal sa mga companies na nagpoprovide ng ganitong software/blockchain na kahit hindi kilala. Masyado lang din sigurong hype dahil nga 'blockchain' at tayo ay nasa crypto/bitcoin dahil ito yung ginagamit nito. Maging mapanuri nalang din talaga at anbayanan natin kung anong kalalagyan nito pero optimistic ako sa adoption at use case nito patungkol sa budget natin at iba pang mga data para makita ng taumbayan.