Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Blockchain Bill
by
blockman
on 07/09/2025, 21:03:48 UTC
Kung nung panahon ni Du30 pinirmahan nya yan at nagkaroon lang ng problema sa mga mambabatas na meron tayo nung time na yan, edi mas lalo na ngayon na malabong pirmahan yan ngayon ni BBM kasama ng mga achuchu nyang mga buwaya din na katulad nya. Siyempre hindi sila papayag, dahil makikita ng mamamayan ang budget sa loob ng isang taon at hahanapin kung saan ito napunta o pano ito ginastos.

Dahil ang mga magnanakaw hindi nila ipapakita kung magkano at pano nila ito nanakawin, gagawin nila itong nakawin ng pasikreto na katulad ng ginagawa nila ng ilang taon narin sa kaban ng bayan natin sa bansa.
Tingin ko tama si BALIK dito, kahit na maging transparent ang blockchain at doon ilalagay yung data ng budget ng gobyerno at saan ito mapupunta. Pwede pa rin dayain bago nila ilagay yung data na ilalagay nila o kung magkanong budget. Kaya, bago man ilagay sa blockchain yung mga information na pwedeng magkaroon ng public viewing ay baka mabawasan na nila yung halaga dahil hindi makita ang korapsyon doon sa nilatag nilang mga data.

Pero tandaan, ang blockchain ay nagbibigay lang ng hindi pwedeng galawin na daan kung tapat ang mga datos na nilalagay dito ,, may mga isyu parin sa pagkapribado, gastos, pamamahala, at basurang pinasok na impormasyon, kaya hindi ito mahika na solusyon. Kailangan parin ng repormang legal, kontrol sa labas ng chain, at pagkapribado mula sa simula para talagang mabawasan ang korapsyon.
Tama, pwede pa rin gawin ang solusyon bago pa man ilagay sa mismong blockchain ang datos ng budget.