Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin direct to tangible cash (and vice versa)
by
gunhell16
on 09/09/2025, 11:52:45 UTC
Nabasa ko yung mga comments niyo at since lahat naman ay positibo ang reply, nag decide ako na subukan (wala naman mawawala haha). Hindi ako aware kung meron bang may alam sa crypto dito sa amin dahil medyo malayo kami sa siyudad. Nag print lang muna ako ng maliit na sign tapos kinabit ko sa gcash tarp. Maganda na rin siguro para kung meron mang ma-curious eh ma-introduce ko din sila sa crypto.



Nice, at least nasubukan mo ng humakbang ng isa, kumbaga ay for now you are testing the waters ika nga nila, maganda yan, dyan mo malalaman kung may isda ba talagang
kakagat dyan sa paing na pinost mo o wala. At tama ka rin na hindi malayong may macurious sa bagay na yan din.

Binabati kita kabayan, at sa tingin ko din naman ay madami sa atin dito ay nais din gawin ang ganyang bagay sa tamang panahon at oras din, saka wala naman ding pinipili lugar ang bitcoin o cryptocurrency yan ang alam din naman natin as long as nakakasagap ng internet ay pwede na.