Sa palagay ko mahirap na mawala ang ganyang perception dahil sa dami ng scam involvement lalo na pag may Pinoy na part ng dev team. Hindi naman lahat ng Pinoy na developer ay scammer, ang mahirap lang dito nadadamay ang iba dahil sa pang bibiktima ng mga scammer sa mga baguhan sa cryptocurrency.
Halos lahat ng project lalo na yung mga scam ganito ang galawan, hindi lang Pinoy. Dumagdag pa dito yung sinabi mo na mismo mga kilalang celebrity o mga personality nakikipromote ng scam project, kaya lalong nawalan ng confidence ang mga tao sa mga project na gawa ng Pinoy.
Sa totoo lang karamihan ng nabibiktima ng mga scam na Pinoy ay yung mga newbie o mga wala pa talagang knowledge sa cryptocurrency. Medyo nakakalungkot na imbis na dumami ang maengganyo mag invest at matuto about crypto, yung ibang newbie nadidiscourage dahil sa bad experience nila sa mga ganitong klase ng investment scam.