Sa tingin ko ay malabo pa itong mangyari sa taong 2025 sa kadahilanang hindi pa maunlad ang pilipinas at tayo ay nasa 3rd world country ika nga. Una sa lahat, sa aking pagkakaalam, ang pag gawa ng perang papel ay mas mahal kesa sa pag gawa ng perang barya. Pangalawa, mas kinakailangan ang papel kung ang pilipinas magiging coinless na, ibig sabihin, mas maraming puno ang papatumbahin upang makagawa ng perang papel. Alam naman natin na kulang na kulang na ang pilipinas sa tanging yaman lalo na ang mga puno. Kung ito ay mangyayari, mas lalong magiging malala ang climate change na ating nararanasan sa ngayon. Mas marapat na sumangguni rin sa DENR kung ito man ay ipapatupad.