Sana nga lang ganon. Kung kulang ang mga activity sa ating komunidad, marapat ay alamin muna natin ang dahilan kung bakit. Hindi dapat ang mga mas bago katulad ko ang siyang mag-aadjust kundi ang mga may abilidad sa ganitong aksyon katulad ng mga may matataas na ranggo at may espesyal na position. Ang iyong argumento ay maituturing kong isa sa mga magandang pahayag sapagkat napunan mo ang mga pagkukulang ko na dapat kong malaman. Marapat na sa bawat ganitong pagpapahayag ay marapat na bigyan, hindi pa ba sapat ang ganitong klaseng pagmumungkahi upang mabigyan?
May ideya naman na ang karamihan sa aktibo dito sa lokal kung bakit kulang ang aktibidad sa ating lokal. Napagusapan na ito dati sa ibang thread. Isa na sa mga dahilan ay ang Signature Campaign. Hindi aktibo ang iba dahil hindi bayad ang mga post at kumento nila dito. Hindi magandang pakinggan pero ganun talaga, marami sa mga kababayan natin ang sumali dito para sa kita. Diyan din ako nagsimula.
Karamihan din ay mga topic na hindi naman related sa crypto pero ay maraming pumapabor na bigyan ng merit source, therefore I conclude bilang isang baguhan ay hindi maayos ang komunidad natin.
.
Salamat sa iyong pahayag kaibigan. Pero para sa akin ay hindi pwede gawing rason ang kawalan ng child board upang makapag-post ng mga offtopic na pahayag. Ako ay may isang mali rin at yon ang aking naunang post kaya't aking ni-lock ang topic upang hindi na muli pagkaguluhan pa at baka may mabuong issue. Yun ang aking nabasa sa mga rules dito sa ating local at yun ay ginawa ng ating moderator upang sundin.
Aktibo naman sa tingin ko ang mga moderator sa lokal natin. Kung may nakita kang off-topic, pwede mong i-report at sila na ang bahala dun. May mga non-bitcoin topics din akong nakikita pero hinahayaan lang nila siguro dahil iniipon lang para maging basehan kung ano ang kailangan idagdag na childboard.