Also as a student, hindi maiiwasan na may mga teacher na nagpapa activity online which is not good for everyone. Hindi lahat kaya gumastos para sa load, wifi, at hindi lahat may resources to do online activity. Sana maintindihan ng mga professors yun.
Medyo hindi ako sang ayon dito lalo na para sa mga pinapaaral lang ng magulang. Well, hindi naman talaga dapat gumastos sa pag aaral, pero kung ang studyante ay nasa mga semi or private talaga na unibersidad abay kalokohan naman atang magrereklamo ka sa mga gastusin at hindi handa sa mga extra extra at chechebureche ng mga prof. Lalo na kung
isa ka lang dakilang palamunin at paaral, at kailangan mo lang gaein ay sabihin ito sa guardian at ang obligasyon mo ay mag aral.
Wala din namang naitutulong ang pagrereklamodahil una pa lang nandyan na yan. Kung ayaw gumastos feel free na lumipat o di kaya magpatayo sila ng sarili nilang school. Ang studyante dapat nagaaral lang maliban kung pinapaaral at binubuhay nya sarili nya tulad ko LoL. Hindi yan dapat sumasalu sa kung ano anong katarantaduhan katulad ng rally o kung ano mang negatibo na hnd naman nakakatulong sa ekonomiya.
Unang una sa lahat hindi lahat ng tao katulad mo na kayang mag sustento sa sarili niyang pag aaral. Ikalawa, Hindi rin lahat ng nag susustento sa sarili niya ay kaya gumastos para sa resources para makapag aral sa bahay at makapg submit ng school works, marami sa mga may trabaho katulad ng service crew(na kadalasang trabaho ng mga working student) ay nawalan ng trabaho dahil merong ECQ.
Provided dapat ng School yun at sa School dapat yun gagawin, eh kaso nga sarado. Gamitan natin ng Logic kung bakit sila nagrereklamo. They are making it Mandaroty with the fact that not all of the students have the resources to do school works from home. hindi pwedeng humindi at magreklamo?,
May nagagawa ang pagrereklamo, lalo na sa mga ganitong bagay dahil tinatanggalan ng pagkakataon (dahil walang resources) ang mga mag aaral na makapag aral nang maayos. Ibang usapin din ang pagrarally at higit sa lahat hindi yan katarantaduhan na negatibo at hindi nakakatulong sa ekonomiya, Kung may lugar lang na pwede mapakinggan ang hinaing ng mga rallyista para sa katanggap tanggap nilang adhikain at reklamo, malamang hindi sila magrarally.
Parang may sinabi din ako na ang tinutukoy ko dito ay yung mga estudyante na nagaaral sa mga pribado at mga paaral lang ng magulang.
And like what I said, bago pa man tumuntong ang studyante sa paaralan na kung ano man yan, nandyan na ang mga patakaran, at tulad din ng sinabi ko maraming choice. Pwede ka naman magaral sa mababa at pampublikong paaralan dun walang gastos sagit ng gobyerno. Pero kung magpupumilit ka na baguhin ang patakaran sa mga pribadong sektor abay isang katarantaduhan at kamangmangan iyon.
Isang tanong para dyan, sino ka ba? Estudyante ka lang, kung ayaw mo dito pwede kang lumipat... Hindi yung magrarally ka dahil mataas tuition. LoL. Nakakatawa yung mga ganyang ugali. Marami akong kilala nakapagtapos sa mga hindi kilalang paaralan pero nasaan ngayon mataas pa ang narating kesa sa mga nagtapos sa mga kilalang paaralan.
Ang point dito yung mga runung runungan, matutong sumunod na lang. Ulitin natin, kung nasa pribado kang paaralan tapos magrereklamo ka kalokohan yun, magtiis ka.
Sa panahon ngayon bro hindi excuse yung hindi sapat. Effort lang ang sagot diyan...
Sagutin ko lang din:
Unang una sa lahat hindi lahat ng tao katulad mo na kayang mag sustento sa sarili niyang pag aaral.
👉Hindi sa pagmamayabang pero Pagsusumikap ang sagot dyan.
-dumaan din ako sa hirap
-naranasan kong hindi kumain sa isang araw
-magtinda sa lansangan
-umextra sa mga kaklase kong tamad
-magservice crew
-mabaon sa utang
-palayasin sa inuupahan
Kung ano man ako ngayon, 25 ako ngayon LoL nagaaral pa rin ako, bago ako makaahon kung ano ano naranasan kong hirap, kaya kung ano man ang mga rason na yan di ko tanggap, dahil bakit ako nakayanan ko... Diskarte lang yan. Yan ang kulang sa karamihan sa kabataan ngayon. Masyadong spoonfeed.
Di porke nawalan ka ng trabho sa pag service crew tigil ka na. May serbisyo ang barangay, may lokal na pamahalaan.
Kung medyo hard yung pananalita ko, sorry po pero hindi ko kasi tanggap ung mga pangangatwiran na ganyan dahil ako mismo naranasan kong kumayod at maghirap. Hindi rin excuse yung kasabihan na "magkaiba tayo" LoL tatawanan ko lang yan. Diskarte ang sagot. Lamang ang madiskarte sa matalino.
Ikalawa, Hindi rin lahat ng nag susustento sa sarili niya ay kaya gumastos para sa resources para makapag aral sa bahay at makapg submit ng school works, marami sa mga may trabaho katulad ng service crew(na kadalasang trabaho ng mga working student) ay nawalan ng trabaho dahil merong ECQ.
Just like what I said, it only applies on students na nagaaral sa mga pribado. Kung ikaw service crew ka at nagpupumilit ka sa makapasok sa private eh anong pagiisip meron ka? Then magrereklamo madaming gastos sa school, may paxerox si prof, paproject. May choice tayo.