After watching the news today, isa sa napanood ko ang pagdami ng mga online stores sa bansa na hindi registered sa BIR kaya bumaba ang nakukuhang tax ng gobyerno which is kailangan na kailangan natin ngayon para pondohan ang mga kailangan pondohan tulad na nga lamang ng mga ospital ngayon para sa pandemic. Nabasa ko na rin noon ang news about sa taxation para sa mga online stores na inalmahan naman ng karamihan dahil nga yun na lang ang kanilang kabuhayan sa hirap ng sitwasyon ngayon, pero ang pagbaba ng nalilikom na tax ng gobyerno ay isa ring paghihirap sa ating mamamayan. Kaya hindi rin siguro natin masisisi ang gobyerno sa idea nito na lagyan ng tax ang mga internet services like netflix dahil sa kakulangan sa pondo.
Any thoughts about this?
Napakaraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho o humina ang kita ngayong panahon ng pandemya. Bilang solusyun, isa sa paraang naisip namin , oo isa ako sa naging online seller ngayong pandemic naisip namin na pwede itong gawing extra income para naman mayroon kaming pambili ng pagkain imbis na magnakaw kami or hindi kumain at mamatay sa gutom. Pero oo sa dami ng online seller ngayon, halos lahat na ata, hindi natin talaga magagawang sisihin ang Gobyerno sapagkat wala nga namang tax eh halos lahat pag online sell na ang ginagawa. Mahirap na mahirap na ang bansa natin. Para sa akin ayos lamang ang pagkakaroon ng tax pero sana ay huwag lamang itong samantalahin ng Gobyerno at taasin ng sobra ang kukuning tax.
Ang daming online seller lang ang nabigla kasi kung before they earning money without paying tax, ang lakas ng impact sa kanila non kasi dati walang ganto, pero isipin din sana ng iba na para satin din ang tax na sinisigil na ginagamit sa ospital, pang ayuda, etc. tsaka nabanggit naman ng gobyerno na 250k up lang yung papatawan ng tax and if youre not earning that much you dont need to worry, nasa pandemic tayo kaya gagawa ang gobyerno ng way. sana lang ay di mapunta sa iba yung pinaghirapan ng iba. and sana di ganon ka sagad yung tax.