Totoo yan kapatid. Paano nga ba maging cashless society ang isang bansa na kagaya ng Pilipinas kung sa internet pa lang ay sobrang bagal na syempre mas pipiliin pa din ng ordinaryong mamamayan ang gumamit ng fiat dahil sa mahal ng internet tapos di pa tama yung serbisyo ng telcos. May mga areas pa na out of coverage katulad na lang ng sa akin tapos katulad ngayon pandemic need ng transactions like online banking, GCash, crypto payments at iba pang cashless na transaksyon, pagbukas mo ng app baka madoble mo pa transaksyon sa sobrang bagal magload. Wala din kasi yang adoption eh kung walang internet.
Actually di yan mainly sa internet speed. Di namin natin kailangan ng 25mbps or higit pa para makapag send online. Kahit 1MBPS makakapag open ng app at smooth ang transaction. Depende na sa phone model kung maaccomodate nila ang app. Sa part nga ng Benguet last year nung umakyat kami, wala nga signal masyado, nakapagsend pa ako ng pera sa kaibigan sa Manila dahil may nangailangan urgent. Data ko base sa checker is less than 1MBPS.
Ang problema talaga is coverage and yun ang natumbok mo. Di naman babagal ang speed kung sakop ng wide coverage ng mga ISP at network providers. Once tamaan yan ng strong coverage ng mga ISPs sigurado bibilis ang transaction. Pero malabo pa yan sa lahat ng areas sa probinsya sa ngayon.
Dito siguro sa Manila, maisasakatuparan ang cashless society for about 80-90% coverage yan ay kung preferred ng tao.
Nakikita naman na natin ang iba't ibang cashless wallets and cashless way to pay like yung Beep para sa mga pamasahe. Kung lahat ng moderized minibuses saka mga bus eh lahat naka beep eh di no need to bring cash. Pero siempre dapat seamless ang experience, tipong from salary to electronic banking transaction hanggang paggamit ng QR code for payment and then paggamit ng beep card. Wala kang nilabas na paper cash sa experience na iyon. Kaso maraming platform, maraming hasel sa transfer of funds from one electronic or online platform to another platform. Kung merong technology na isahan nalang tipong celphone mo na ang both receiver ng salary mo tapos wallet and pay app eh di wala nang need for any apps that go in between the source and the merchant/service.