Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
blockman
on 05/11/2021, 09:16:41 UTC
Ang problema pa dito, kamaganak mo ang scholar mo kaya medyo masakit kung tatanggalin mo. Advisable talaga magkaroon ng strict rules para kahit kamaganak mo eh mapaalis mo lalo na kung hinde naman talaga nagpeperform ng mabuti. Last warning ko naren ito sa mga scholar ko na pagbelow 800 MMR paren sila and 0 SLP for 3 days, out na talaga sila agad.
Totoo yan kaya ako bago ko ipascholar, tinatanong ko ng maigi tapos pinapakita ko yung team bago ko ipalaro. Katulad kagabi may isa sana akong aspiring isko na matagal na naghihintay, yung unang team na pinakita ko triple plant at chops na goods naman kaso tumanggi baka daw bumaba ang mmr at walang slp kaya sakin ok lang kaya sa iba ko na binigay. Tapos kagabi nagpakita lang ako ng dalawang aqua na gagamitin niya kasi kulang pa yung team, kaso ayun may isang chops na card sa isang aqua lang naman tapos tinanong ko kung ano sa tingin niya, ang kaso naman ayaw pa rin kasi daw ganito ganyan, daming rason kaya tama na yun. Dalawang beses inalok, pangatlo wala na, sa ibang mas deserve na isko nalang.

Matindi yung aspiring mo ha Grin sa dami ng gustong magpascholar at magkaroon ng pagkakataon sa kanya baliktad sya pa yung nag rarason na para bang ayaw mahirapan, tama yung desisyon mo mas mainam na yan kesa matengga yung pera mo, lalo na ngayon humahataw nanaman yung value ng slp. Malamang sa malamang nanghihinayang na yun, biruin mo 100%+ na ung increase ng value tapos patuloy pa din sa pag angat, answerte nung mga naghold at nag add pa ng investment nila nung naglaro sa below 3pesos ung value ng slp at yung mga nakabili din ng mga bagsak na account na ngayon eh pure sure na nag eenjoy sa nakikikita nilang progress sa investment nila.
Kaya nga eh, kamag anak ko yan, lumapit siya saka yung magulang niya. Sa unang bigay ko, sige ok ok pa siguro di nya gets yung synergy at combo ng mga cards na pinili ko sa bawat axie na papa-scholar ko sa kanya. Tapos tinanong ko at binigay yung gusto, nakita na may isang chops nagpaliwanag pa sa kin na puro pure daw ang arena na ngayon haha. Tingin ata niya di ako naglalaro at manager lang ako eh, kaya ekis na agad, nakakaawa at nakakahinayang sa part ko kasi gusto ko talaga siya bigyan ng scholar kaso siya na mismo tumanggi at dalawang beses pa.