Sana makahanap ng magandang way ang government para sa proper taxation and tungkol naman sa paymaya at gcash well-known business naman sila dito sa bansa natin so madali na sa gobyerno natin na mahanapan or magawan ng paraan kung paano sila itatax if ever na talagang ioffer nila ang crypto sa service nila.
Think positive and ang reflection naman nyan pag naging matagumpay eh para din naman sa ating mga crypto users and syempre may makukuha din ang agbyerno kung talagang pag uukulan nila ng panahon na hanapan ng paraan.
Malamang na makakahanap yan sila ng paraan basta usapang buwis saka gaya nga rin ng sabi mo na ang dalawang apps na yan kinikilala sa Pilipinas kaya hindi na malabo na mangyari yun. Ang gawin na lang natin mag abang ng resulta nito. Tapos dun na natin malalaman kung suportado na ng bansa ang cryptocurrency.
Malaki din kasi ang magiging impact ng paymaya at gcash kung magiging successful sila, alam naman natin na bahagi itong mga apps na to ng malalaking business dito sa bansa natin malamang patungkol sa pagbubuwis hindi na mahihiraparan ang gobyerno para habulin sila, at malamang alam din ng dalawang kumpanyang ito ang pinapasok nila.
Pero gaya ng sinabi mo, ang magagawa na lang natin sa ngayon eh mag antay ng magiging resulta kung sakaling matuloy na ang pagsabak ng dalawang apps na to sa crypto at maioffer na sa service nila.