Madami akong nakitang nagreklamo niyan kasi nga part na ng business nila yung loading at wala pa silang nakitang 10% yung rebate. Posible rin naman na lugi si coins sa ganung deal tapos nagkaroon pa ng shopee load pero parang wala na rin ata ngayon niyan.
Sa dami ng mga opportunities na pinakita nila sa tao, nawala rin konti konti kasi nga parang hindi na nila nalagyan ng pansin kasi paiba na rin ang hassle ng mismong market ngayon at kailangan nilang sumabay kaso sila, parang hindi eh.
Sabagay sobrang daming tindahan dati na ginawang loading business yung coins.ph dahil may patong na sila tapos may rebate pa. Kaso nga lang, napansin ko kadalasan sila dati mag maintenance sa load kaya medjo hassle din sa kapag nagpaload ka sa tindahan kasi dyan lang din sila naasa. Buti yung iba may other option like load via gcash kaso hindi lahat dahil hindi pa masyado uso.
Nagustuhan ko yung loading nila tapos automatic na nade-detect kung anong network ka. Nabasa ko dati na bakit need manually input kung anong network, parang yan daw ay ayon sa patakaran ng NTC. Meron pa yang isang magandang service nila yung parang magiging remittance center ka tapos patungan mo lang yung mismong remittance fee. Kaso nga, ayun nagbago na lahat, sayang.
Masyado rin sigurong malaki yung na-allocate nila sa partnership nila sa PBA at sa Miss Universe kaso mukhang hindi naman effective sa side nila yung effect ng mga channels na yun.
Sa tingin ko rush decision ito ni Wei kaya hindi naging effective masyado
[mali ang target audience nila].
Posibleng rush nga, mali yung pagkakamarket at masyadong nawalan na sila ng momentum sa market na kung saan eh dati rati, sila yung number 1. Sadly, ngayon hindi na.
May bagong modus sa FB na gumagamit ng fake coins.ph page nag sesend ng phishing site.
Madami dami rin akong nareport mismo na ganyan sa coins.ph official page at sila na mismo nagrereport.