I wonder if meron pa ba dito na matagal na sa crypto na gumagamit padin ng coins.ph at prefer padin ito over other platforms na nag poprovide ng same service. I want to hear your feedbacks about current coins.ph at yung current experience niyo in actively using coins.ph. About naman sa binance P2P is madali lang naman ma filter out ng scammer dun, nakikita naman natin yung completion rate nila at mas marami yung legit dun kesa sa scammers. Basta wag kang papatol sa buyer or seller dun na onti lang ang orders at sketchy yung trading price na inoofer like sobrang taas ng possible profits mo kasi malaki yung chance na scam sila.
matagal na kong di gumagamit, ever since binabaan nila yung limit ko at inakusahang may violation. pilit ko ngang iniisip kung ano ang naging violation ko. yung acct ko nagstart sa kanila nung september 2015 dahil napasali ako noon sa mmm. so syempre nag collapse yun. unti unti naman lumalawak yung kaalaman at experience natin sa crypto dahil npapasama sa maraming kapalpakan

dahil after ng mmm napasali ako ng hash ocean. idagdag nyo pa yang walang kwentang tbc. haha. pero after that, wala na kong sinalihan kaya ang funds ko umiikot na lang sa mga exchange at mga non custodial wallets. so ibig sabihin, pwede ka nilang bigyan ng violation kahit nung sinauna mo pang activity!
anyway about sa p2p, nagamit ko na rin. na-scam na rin ako dahil syempre first time ko, kala ko naman legit lahat dun. pero matataas yung completion rates nila ha! di nga lang 100% pero di naman bababa ng 95% yung ibang naka-transact ko. may experience ako dun dalawang beses nangyari. gcash ang ginamit ko para mag buy ng usdt. so pagka send ko, padala ko screenshot sa chat, tapos nag notify na sa binance na nasa acct ko na yung usdt ko. pero bakit after a day, wala na. di ko pa naman nagagamit! twice yun. kaya sa isang merchant na lang ako nagstick. si Hex. kapag nasa listing sya, sa kanya na ko bumibili or nagsesell. although lately di ko sya laging nakikita.
isa lang naman ang gusto ko kay coins. yung ease ng withdrawal sa bank acct. huling nagamit ko ang coins nung 2021 pa. nakapag transact pa ko ng 200k na pinambili ko ng ozonizer unnits tska 400k then may naiwan na 54k nung umakyat lang yung eth. pero kung marami silang pending transactions ngayon, may problema na sila siguro
Sobrang dami mo palang scam na nadaanan simula pa mmm, Naalala ko kahit yung hashocean since isa din ako sa victim nun LOL. Yun yung last time na nascam ako ng medyo malaki at sa tingin ko pinaka pinag sisisihan kong na scam ako kaya sobrang memorable. Coins.ph din gamit kong wallet that time and obvious na hindi pa sila masyadong strict nun. About binance p2p, If maingat ka naman and alam mo ginagawa mo ehh hindi ka naman ma sscam kasi pwede mo i contest yung transaction for a certain amount of time pag nag ka problema or may nag attempt, Kaso minsan may mga pabaya lang kasi kaya naiisahan sila ng scammers.
Buti nga di ka na flag sa big transactions mo sa coins.ph kasi alam ko maraming na faflag lalo na pag above 400k annually yung transaction amounts nila. Kadalasan ay re KYC sa coins ph and minsan is binababaan nila yung limit mo which is kabaliktaran ng dapat mangyari kasi it shows na nasakanila ang tiwala mo tapos bibigyan ka nila ng reason kung bakit hindi mo sila dapat gamitin.