Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala?
by
inthelongrun
on 27/03/2023, 10:39:03 UTC
hanggang April nalang ang huling submission nito para maparehistro yung number na ginagamit natin.
Considering na roughly 27% palang ang nakapag register, it's safe to say na magkakaroon ng extension: Pagpapalawig ng deadline ng SIM card registration, pinag-aaralan ng DICT
Saka lang gagalaw ang mga iba kapag napansin na nila na deactivated na yung Sim Card nila. Sa tingin ko, karamihan ay walang ideya na may ganitong patakaran na ang mga Telecom companies kaya kakaunti pa lang ang nagpapa-activate kaya dapat hindi na pag-aralan ang pagpapalawig ng deadline, kundi gawin na lang nila dahil kaunti pa lang ang nakakapag register....
Oy 27% lang pala. Akala ko malaking porsyente na ang nakapagregister. Pero yun din ang naisip ko, medyo mahilig ang maraming Pinoy sa last minute. Kung sa ibang bansa to sigurado wala ng palugit to.

Pero ang buong akala ko talaga April 27 something. So kailangan ko na pala magregister bukas at baka magka issue na naman system ng Globe at Smart pag sabay2 tayo mag register.

    Kaya kapag natapos na ang deadline of submission nito ay for sure na dun magkakaalaman kung meron o wala ng mga scammer na magpapadala ng mensahe sa personal na number natin dito sa mga cellphone natin.
Hindi lang mga scammers ang target ng batas na ito. Pati na rin yung mga random number na nagsesend ng death threats sa ibang tao. Ito yung isang halimbawa kung bakit kailangan natin itong batas na ito. Isang Youtuber na attorney ang nakatanggap ng death threats sa isang random number. Ito yung video niya:
https://www.youtube.com/watch?v=tNwkMlc5RLw
Pero di nako magulat kung merong makakalusot. Meron nga ko classmate dati nagbebenta ng murang cards like 100 na lang instead na 300. Kwento niya as per source din nung cards niya ay madali lang raw gumawa ng extra load cards pati sim cards na hindi kasali sa recorded inventory ni Smart. Tsaka with blessings raw yung underground na activity nila sa isang manager. Pero sana nga mabawasan na mga maduming aktibidad.