Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
bhadz
on 17/05/2023, 18:28:50 UTC
Naalala ko pa dati napakarami kong doge, sumobra pa nga ng milyon yun dati naubos ko lang kakabet din hahaha. Sa totoo lang nanghihinayang ako sa tuwing naiisip ko yung mga nasayang kong tokens dati, dahil na nga wala naman din value kaya halos tinatapon ko nalang yun. Naalala ko pa dati na yung misyon ko sa poloniex na exchange ay nabili lahat ng coins available sa kanila kasi kaunti lang ang available sa exchange nila at sa panahon ding yun napakauso yung mga signal-signal pati pump and dump. Tama ka rin sa sinabi mo na walang nag expect na aabot sa ganito ang market natin ngayon, kahit ako man. Nag boom lang din kasi itong market nung late 2017, tapos mga bounty hunters dito sa forum nag aagawan sa mga bounty campaigns.
Wala pa kasing value dati tapos meme coin pa na ang akala natin ay walang buhay tapos yun nga biglang nagkaroon ng value nung prinomote ni Elon. Wala naman na rin tayong magagawa kasi nagastos na natin.

Totoo yan. Marami satin ang nanghinayang na nagbenta agad dahil may mas itataas pa pala pero kung naibenta mo naman sa maayos na presyo at kumita ka, panalo na yun gaya nga ng sinabi mo. Sa part ko, meron ding pagsisisi pero dahil kumita at nakapundar kahit konti eh malaking bagay na yun, kaya wala ng point para balikan pa ang nakaraan kasi nangyari na.

Ang importante ngayon ay ang kasalukuyan. Kasi alam na natin ang posibleng mangyari kaya mas wise na tayo sa desisyon na dapat gawin. Hindi pa huli para magsimula ulit dahil maraming coins ang pwedeng bilhin na hindi pa ganoon kamahal. Kahit paunti-unti ang pagbili basta sa coins na alam mong may potential at hindi magiging shitcoins kahit i hold mo ng matagal.
Lahat tayo may pakiramdam ng pagsisisi kasi ang akala natin wala namang kwenta yang mga coin at tokens na yan tapos sa bandang huli biglang taas. Pero sigurado ako na may kanya kanya tayong mga panalo sa mga nahold, nainvest o naearn natin na mga tokens.