Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Huwag manghula lang pagdating sa crypto
by
Lorence.xD
on 17/09/2023, 14:40:30 UTC
Doon sa tatag ng loob, yan ang isa sa mga natutunan ko sa pag stay dito sa market na ito. Kapag mahina ang loob mo at umaaray ka sa kokonting losses, paano pa kaya yung isang bagsakang dip at halos maiyak ka na ang lagi ng losses mo.
Ganito lang talaga sa market na ito, no pain no gain ika nga at yung volatility ng market na ito ay high risk at high reward. Kaya mamili ka kung ano ang masakit sayo pero tatagan mo lang loob mo, kapag mahina ang damdamin, huwag nalang pumasok sa crypto.

No pain, no gain talaga sa industriya na ito kaya fit na fit talaga ito sa risky people lalo na sa mga teenage dahil malakas loob nila sumugal at magsunog na pera para sa 100x gains pag naka tsamba sa isang tokens or coins.
Ang daming mga kababayan nating mga kabataan na natuto din sa crypto market. Sa kalakasan noong Axie hanggang sa bumaba at naunawaan nila na ganyan pala ang crypto market at sobrang hyper ng pagiging volatile nito. Dahil sa mga kabataan na yan, malaki pa ang chances nila sa future at okay lang mag fail pero hindi naman lahat ay nagfa-fail dahil mas marami ang kumita at naging successful hanggang sa narealize nila na ganito pala kasakit itong market na ito.
Totoo ito. Madaming kabataan ang naattract sa Axie at dun na nga yung naging simula para sa ilan sakanila na pasukin at aralin ang sistema ng crypto. Madami silang natutunan sa time na maingay pa ang Axie hanggang sa nadiscover nila kung gano ka volatile sa market industry na ito, yung iba sumuko at feeling pa nila na scam sila while may iilan na nag research at ngayon ay Bitcoin holders na.

Madami din kasi na enganyo sa Axie Infinity non kahit nga matatanda na walang idea sa crypto nag iinvest dito eh matawag lang na "manager" at tsaka akala nila easy money lang sa Axie non eh mga time na yon konti pa supply ng SLP kaya malaki talaga ang presyuhan at profits. Ayun nung bumaba andaming nalugi, may mga nalubog pa sa utang kasi nag invest sa hindi nila alam. Pero siguro yung mga kadalasang nag research talaga sa crypto industry non ay yung mga player eh, kasi sila yung nag eengage sa paglalaro kaya na curious sila sa crypto like pano ba talaga sila kumikita sa paglalaro lang. Ayun may mga naging trader at holders ng Bitcoin, tinake ng iba as dead yung Axie not knowing na sa crypto industry di lang yun yung may potential na bigyan ka ng higher profits.