Ito na yung nakakahiyang part na iniisa isa ng mga hackers itong mga website ng gobyerno natin. Mapa-script kiddies man yan, literal na hackers o hacktivists. Wala na dapat pang maraming salita itong mga nasa kapangyarihan kundi ayusin nalang kung anong sinisira nila. Kasi sa paraan na ginagawa nila, doon lang napapakita na mahina talaga ang cyber defense ng gobyerno natin kasi hindi binibigyan ng halaga. At baka mas madami pa tayong makitang mga government websites ang i-deface at itake down nitong mga hackers.
Ganun kahina yung cybersecurity ng bansa natin, kasi dapat after madale ng isa dapat nakapag focus na agad ang mga ahensyang nakatalaga
sa cybersecurity na maaring mangyari ang mga kasunod pang atake.
Sa ginawang hacking ng mga taong nasa likod nitong atake pinakita lang nila kung gaano kainutil at kahina ang isip ng nagpapatakbo ng mga ahensya
ng bansa natin.
dapat tutukan na ng national media yan hindi yung mga issue ng budget sa kung saan saan kundi yung budget para sa siguridad ng datos nating
mga mamayan.
Dati pa talaga yan na ganun kahina at parang hindi binibigyan ng pansin. May nabasa akong member ng isang ahensya na normal employee lang, sabi niya, wala naman silang kasalanan na nasa baba dahil sumusunod lang sila at taga implement. Ang dapat daw sisihin ay yung nasa taas dahil sila ang gumagawa ng utos at policies kung anong dapat gawin. Sabagay tama siya, dahil kung concern naman talaga itong mga nasa taas ay dapat expedite ang pagsasalba sa mga websites na yan pati na rin sa pagpapalakas ng depensa nila. Kaso parang wala namang nangyayari, media lang tapos balita tapos okay na ulit, makakalimutan na ng mga tao na may mahinang cybersecurity ang bansa natin at worse pa kung lagyan yan ng label na walang pakialam sa mga websites ng gobyerno natin. Pag nagkataon yan at umabot pa sa international communities, mas makikita yan ng iba pang mga hackers at mas lalong pagtripan pa sila.