Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Marvin Favis na scam?
by
benalexis12
on 14/02/2024, 08:14:18 UTC
Di naman talaga yan expert kundi influencer lang. Noong narinig ko interview niyan na sinabi niya na may 100% winning rate daw at para lang daw yan talaga sa kakilala niya, tingin ko yan yun. Na-scam sila at alam naman natin na kapag trading ay walang 100% kaya mas mainam pang magsarili ka nalang maghold ng sarili mong holdings at wala kang maagrabyado. Mahirap magtiwala sa mga ganyan tapos yang mga kasama niya ay mga viewers lang niya din na nahikayat maginvest. Posible nga na baka siya din may pakana niyan tapos nagplay victim lang siya, hindi natin alam kung ano at paano ba talaga pinaggagawa ng mga yan. Mas malaki kasi kitaan nila sa panggogoyo ng kapwa kaya huwag masyado maengganyo sa mga pasosyal at mga figures na pinagsasabi ng mga yan.

Sa palagay ko kaya nya sinasabi iyan ay dahil para maenganyo ang mga taong mag-invest sa kanila or para makuha ang paghanga ng mga tao at later on ang tiwala at simpatya.  Sa pagkakasabi pa lang niyang 100% winning rate alam na agad natin kung nagsisinungaling siya o hindi.  Di ko talaga maalis sa isip ko na isa siya sa naging dahilan kung bakit maraming na scam dahil nga tulad ng sinabi nung isang kasama nya, follower siya ni Marvin kaya napainvest din siya nung napanood niya iyong scammer dun sa channel nung Marvin.
Kaya nga, sinungaling at wala namang ganyan sa kahit anong trade sa mga volatile markets kahit sa stock market pa. Tapos sinasabi niya na ang isasama niya lang daw ay yung mga totoong kilala niya na masisipag at deserve din daw umahon kasabay nila. Sa ganung salitaan palang ay halata mo na may kakaiba sa sinasabi niya at mae-engganyo ka. Yan naman kasi talaga tactic ng mga yan tapos nagkaroon pa yan ng exposure kay Boss Toyo tungkol sa P8M na gusto niyang bilhin yung holy grail daw na Francis M merchs.

Natawa naman ako sa sinabi na isasama lang daw yung mga totoong kakilala nya na masisipag, sa mga binanggit na ito istilong networking ang datingan dahil yan ang hinahanap nilang mga downline na masisipag. Walang kaugnayan ang ganitong istilo sa crypto trading sa totoo lang.

Tapos yung pumunta naman siya kay boss toyo ay obviously lang na for the content lang yun. Hindi totoong maglalabas siya ng 8Millions for the merch ni F. Magalona. Sinungaling din yan si boss toyo dahil lahat ng content na ginagawa nya ay mga scripted at talagang for the contentn lang. Kaya hindi na ako nanunuod dyan kay boss toyo dahil lantaran narin ang panloloko sa tao.