Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Marvin Favis na scam?
by
arwin100
on 24/02/2024, 22:00:16 UTC
Kaya nga, sinungaling at wala namang ganyan sa kahit anong trade sa mga volatile markets kahit sa stock market pa. Tapos sinasabi niya na ang isasama niya lang daw ay yung mga totoong kilala niya na masisipag at deserve din daw umahon kasabay nila. Sa ganung salitaan palang ay halata mo na may kakaiba sa sinasabi niya at mae-engganyo ka. Yan naman kasi talaga tactic ng mga yan tapos nagkaroon pa yan ng exposure kay Boss Toyo tungkol sa P8M na gusto niyang bilhin yung holy grail daw na Francis M merchs.

Natawa naman ako sa sinabi na isasama lang daw yung mga totoong kakilala nya na masisipag, sa mga binanggit na ito istilong networking ang datingan dahil yan ang hinahanap nilang mga downline na masisipag. Walang kaugnayan ang ganitong istilo sa crypto trading sa totoo lang.
At yung mga naloko at naniwala, gullible na gullible at bilib na bilib sa kaniya. Ayun na nga, nasama pa nga, nadamay pa sa kalokohan niya. Ang hirap talaga kapag masyadong naasa lang sa ibang tao at hindi inaaalam yung pinapasok lalo na dito sa market na ito na napakavolatile. Sobrang madali talaga maloko ang mga kapwa natin pilipino at kailangan talaga ng pagbabago pagdating sa mga subjects related sa economics at pera.

Tapos yung pumunta naman siya kay boss toyo ay obviously lang na for the content lang yun. Hindi totoong maglalabas siya ng 8Millions for the merch ni F. Magalona. Sinungaling din yan si boss toyo dahil lahat ng content na ginagawa nya ay mga scripted at talagang for the contentn lang. Kaya hindi na ako nanunuod dyan kay boss toyo dahil lantaran narin ang panloloko sa tao.
Gets ko yang show na yan dahil base lang din yan sa totoong PawnStars sa US nila Rick Harrison. Ewan ko nga dito kay Boss Toyo, hindi niya binanggit kay Jessica Soho yung totoong origin ng show na yan sinabi lang na "show galing US". Tingin ko din nung pumunta si Marvin sa show na yan for content lang din pero mukhang fan na fan din talaga siya kasi nagra-rap din pero may pera o wala siya doon, wala na akong pakialam dun. Ang nakakainis lang talaga nandamay pa ng mga kawawang kababayan natin tapos ang lalaking halaga pa.

Hay naku, yang si Favis walang pinagkaiba yan kay mongoloid na budolerong networker na si Franklin Miano na puro hangin ang laman ng utak. Believe me ilang buwan o ilang taon mula ngayon mapapasama na sa ponzi scheme yan. Yang mga ganyang tao wala ng pakialam yan sa mga biktima nila talaga sa totoo lang.

Kung saan sila makakalusot ay pipilitin talaga nilang makalusot, uunahin nila talaga nila dyan yung kanilang mga sarili at hugas kamay talag ang gagawin nyan.

E magkasama naman talaga yang mga tolongges na yan kaya pareha ang mga gawain. Puro mga dada wala nalang resibo at puro imagination lang mga pinagsasabi nila kaya maging vigilant dapat ang mga tao sa pagpili ng susundan dahil pag sila nadala agad sa salita na yayaman sila ay tiyak madali silang ma take advantage ng mga taong to at mawawalan pa sila ng pera.

Expect na kay favis na mag hugas kamay dahil maraming beses na nya yang ginawa kaya yan lali na pag oras na ipit na sila sa sitwasyon.


Nalala ko itong taong ito, sikat to na trader di ba. Siya yung nakita ko sa vlog ni boss toyo na gustong bilhin ang jersey ni Francis M. ng isang milyon yata. Naku kilala ko na ang mga galawang ito, totoo kayo kabayan, parang naghuhugas kamay lang ito.  Kung expert ka ba naman sa crypto ma pa fall ka pa sa investmetn scam i alam mo nalang ang kalakaran ng mga scam sa crypto. Sa offer na too good to be true alam mo ng scam eh.

Search ko sa youtube kabayan, mukhang interesting ito.  Grin

Hindi naman sya ganon kagaling na trader sa pag kakaalam ko nag hahire lang din sya ng trader at nag invest pa nga ito sa trader na hinire nya base dun sa  video na iscam sya nung hinire nyang traders meaning wala syang tiwala sa sarili nyang kakayahang mag trade.
Kasi kung totoo syang trader bakit mag hahire pa sya nang ibang trader instead na sya mismo ang gagawa para sure nakikita ito ngayon ang nangyari nag tiwala sya dito sa hinire nya at hindi lang pala sa trading nilaro yung pera pati nag tayo ng business yung scammer ending tuloy hindi masustain nung scammer yung business at yung percentage na dapat mapunta sa mga nag invest hindi na naibibigay hanggang sa mga investors nila including na si marvin na binagawi na yung investment pero yung scammer wala nang maibigay dahil sa bago nilang business.

Kasi nga di nya alam talaga mag trade basic lang kaalaman nya at ang tanging magagawa nya lang ay yan mag hire ng magaling na trader at pagkakitaan ang skills nila sa pamamagitan ng pag alok ng investment sa mga followers nila. At yan nagkaipitan na nga at naging scam ang labas then hugas kamay na si favis na for sure nakinabang naman din sa taong yun.