Ung tipong pitik pitik lang ng deposit at withdraw para hindi masakit kung maipit, hindi kasi talaga natin alam kung ano ang magiging sitwasyon after end ng month, kakagamit ko lang kanina maayos ko naman natransfer ung pera ko, ginagamit ko kasi yung binance USD wallet ko pang transfer ng pera from siggy sahod papuntang binance para naman sa p2p papuntang gcash, okay naman sya not sure lang next week kung ano na ang magiging sitwasyon kaya nakikibalita talaga ako dito kung ano pang magandang exchange ang pwedeng magamit kung sakaling tuluyan na talagang maiblock yung binance website dito sa bansa natin.
Mukhang wala pang proper request ang SEC sa mga internet providers to block Binance, hindi nacoordinate iyong announcement nila dun sa implementation date. Mukhang bz sila sa pagcreate ng sistema ng plano nilang paglaunch at pag benta ng CBDC two year from now. for other p2p exchanges pwede mo icheck ang list na nasasaad dito :
https://www.techopedia.com/cryptocurrency/best-p2p-crypto-exchange.
Oo kabayan mukhang wala pa ngang ginagawang aksyon ang SEC or baka lang may inaantay pa sila kaya nga nasabi ko na hanggang next week siguro yan baka meron ng mangyari, pero syempre umaasa pa rin ako kahit papano na meron pang development or meron mga kundisyon ang SEC para sa mga pinoy binance users, baka lang sakali na makonsidera nila yung volume ng mga nagttrade at gumagamit ng serbisyo ng Binance at meron silang mapagkasunduan "baka lang ha" , or "Sana meron pa nga"
Sinubukan ko rin ngayon lang yung akin sa binance at tulad mo nakakapagaccess parin naman ako, tapos mamaya susubukan ko ulit mag-open kung ano magiging result nito, baka kasi pagtuntong ng 8am dito sa atin ay biglang hindi na mabuksan pa, pero hindi pa ako sure dito,
Pero sa aking palagay ay magkakaroon pa siguro ng delaying sa bagay na ito dahil wala naman din akong nalalaman na balita na by march 1 ay walang pwedeng makapag-access sa mga merong may account sa binance, wala pang ganyang balita sa atin dito sa pinas, diba?
Possible yang delay na yan, alam mo naman ang kilos ng gobyerno, magset ng announcement then a year later ng set time ang implementation. So far wala pa naman akong nababasang updated news about dito sa pagban ng SEC sa Binance at mga ISP na nagconfirm na they will ban Binance.
Ung naalala ko dito eh yung planong lagyan ng tax yung crypto transactions, pero hanggang ngayon wala pa naman implementasyon sana nga ganun na lang ulit ung tipong nasabi pero hindi naman ginawa. hahaha