Mga kabayan mayroon akong transaksyon na naipit sa ngayon dahil na rin sa taas ng fees siguro sa kadahilanan na rin ng pagtaas ng market value ng Bitcoin sa 56k$ ngayon hindi rin talaga ito inaasahan ng marami at balita ko marami ang naliquidate dahil sa pag short nila sa trading. Di pa rin nacoconfirmed ang aking transaksyon sa Binance ko siya sinend kaya nakakatakot dahil na rin baka hindi ko na maaccess ang aking Binance account sa takapusan ng month. Not sure dahil binoost ko na ang transaksyon dapat ay tinaasan ko na agad ang fees para maconfirmed na agad ang transaksyon pero inaangat ko lang ng kaunte ito at pagkatapos ay tumaas din ang fees. Medjo nagdadalawang isip ako ngayon kung hihintayin ko dahil hindi ko pa rin sigurado kung gagana ba ang mga VPN kung sakaling mabanned ang access naten sa Binace.
Ito ung mga mahirap na sitwasyon kasi paano kung hindi na nga maoopen yung site ng binance, ano yung kasigudaduhan na pag gumamit ka ng VPN eh hindi magkakaproblema yung account mo, sana meron makapag provide na kabayan din natin na nakagamit na ng VPN at walang naging problema para kahit papano may kumpyansang magbakasakaling gumamit pansamantala para lang mailabas ung maiipit na balance sa loob ng exchange. Ang hirap kasi nyan iilang araw na lang katapusan na ng buwan hindi pa rin natin alam kung anong pwedeng mangyari kung seryoso ba ang SEC or baka malimutan nila hahaha..
Hintayin nalang natin ang March 1 kung block na ba talaga. Saka na natin isipan yang mga ganyang tricks. Basta before end of the month, dapat kunin muna natin lahat ang balance natin, kung sakaling ma block man, saka natin subukan ang VPN, pero make sure lang din na hindi malaking amount ilagay natin ,yung tipong "you can afford to lose", parang gambling na rin kasi ginagawa natin pag ganyan.
Ung tipong pitik pitik lang ng deposit at withdraw para hindi masakit kung maipit, hindi kasi talaga natin alam kung ano ang magiging sitwasyon after end ng month, kakagamit ko lang kanina maayos ko naman natransfer ung pera ko, ginagamit ko kasi yung binance USD wallet ko pang transfer ng pera from siggy sahod papuntang binance para naman sa p2p papuntang gcash, okay naman sya not sure lang next week kung ano na ang magiging sitwasyon kaya nakikibalita talaga ako dito kung ano pang magandang exchange ang pwedeng magamit kung sakaling tuluyan na talagang maiblock yung binance website dito sa bansa natin.
Siguro ayaw lang nila mag create ng panic dahil once umingay lalo na papalapit na ang pag ban sa kanila sa bansa natin ay tiyak mas maapektuhan sila lalo. Tsaka siguro wala na sila talagang magagawa dyan dahil di din siguro nila kinaya ang requirements na hinihingi para makakuha sila ng license sa bansa natin. Sa ngayon habang papatapos na ang buwan ng Pebrero ay mainam na mag monitor nalang tayo since yun nalang ang magagawa natin at e make sure natin na wala na tayong funds na naiwan dahil mahirap na baka magkaipitan at matuloy talaga na di na natin ma access ang Binance sa susunod na buwan.
At di narin ako mag risk sa pag gamit ng VPN dahil sobrang delikado nyan, may available exchange pa naman na pwedeng magamit kaya lipat nalang muna siguro ako dun at maghintay kung may bagong ganap ganap ba o wala na talaga.
Same here kabayan, hindi na din kami nag risk pa sa pag gamit ng VPN kahit madami ang nag aadvice na pwede padin ipagpatuloy ang paggamit ng binance dahil syempre mahirap din sumugal lalo na't doon natin ihohold ating mga holdings. Mas mainam din talaga na kailangan secured ang mga gagamitin natin lalo na kung usapang pera ang involved dito. Hindi ko nadin naman nakikitang may progress or pagkilos ang binance group sa ating bansa kaya malaking bagay nadin na nakapag desisyon kami ng maaga kaysa maghintay.
Kaya nga pag bawal na talaga wala na tayo magagawa dyan at baka mahirapan pa tayo lalo pag pinag pilitan pa nating gamitin si Binance since for sure mag kakaroon ng conflict dyan lalo na pag hindi talaga VPN friendly si Binance.
Sobrang pangit lang talaga na need natin mag adjust sa panibagong exchange na gagamitin natin at nasanay na tayo kay binance since bukod sa trusted na natin ang platform na ito sila pa ang may pinaka murang fees sa ngayon. Tumitingin ako sa any crypto news site or pages kung may update ba sa case nato pero wala padin akong nakikita siguro makikita nalang natin ito once matapos na ang buwan ng February. Nag set up nadin pala ako ng account sa Kucoin,Bybit at Okx then titingnan kung alin ang mas ok na exchange dyan.
Iba na ang handa kabayan hahaha, pero syempre gaya ng sentimyento mo, iba kasi yung nakasanayan na at kumportable ka ng gamitin, plus ung fee eh talagang kayang kaya naman, syempre dun sa mga bagong susubukang exchange panibagong aral at panibagong paggamay ulit sa serbisyo nila pero since wala ka naman ng alternative option mapipilitan ka talagang mag move on at sumubok.