Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
Japinat
on 25/06/2024, 09:43:20 UTC

Tignan natin kung anong gagawing improvement ng lakers after magpalit ng coach at ng mga staff nito, malamang meron din player movements ang lakers kung magpupursige silang itabla ulit ang rankings.
Si Reddick na ang bagong coach sa next season ng Lakers. Tingin ko maraming changes dapat. Di na magwork partnership nina Lebron at AD. Habang meron na speculations na naghahanap ng big trades ang GSW. Mukhang may mawawala either Draymond, Klay at CP3.

Ito ang kaabang abang kung anong mangyayari after magpalit ng coach, tingin ko nga rin hindi na epektibo ung combo ni AD at LeBron kailangan na nilang ibahin yung setup baka trade or dagdag na makakatulong ni AD sa ilalim or kung anong dapat na adjustments ang gagawin ng JJ sa team na hahawakan nya, mahirap kasi na ipilit samantalang nababasa na agad ng mga kalaban na coach ung sistema na gagamitin nila,

 sa part naman ng warriors mahihirapan mag adjust si Steph pero kung need na talaga wala naman syang magagawa.

Ang pinakamalaking problema talaga kay AD ang paging injury prone niya. Tapos kahit healthy siya ngayong playoffs ay nakita natin na hindi na epektibo ang dating combo nila ni Lebron na matanda na rin. Subok pa rin naman bench nila pero overall wala talaga silang match sa mga current top teams.
I think ang problema ng Lakers ngayon ay ang supporting cast nila Leboron. Nawalan rin kasi sila ng magaling sa defense and offense, nong nag champion sila, naalala ko lang andito pa ang mga players na to.

Rondo, Caruso, KCP, Howard at Kyle Kuzma. gagaling ng mga iyan, bakit kaya binitawan ng Lakers.

Sa GSW naman, sigurado lahat ng desisyon ng management ay meron rin blessing ni Curry. Pati situations nila Klay, Green, Wiggins at CP3 discussed na panigurado. At kung meron man new player na target nila ay approved rin si Curry. Ganito na kasi ang NBA ngayon, kasali na mga superstars dahil sila rin naman maglalaro at need ng chemistry if meron new player.

Syempre pero di naman siguro kay Curry lang na decision ang magiging basis. Kung si Green na salba niya noon, siguro hindi na sa susunod, kasi problema rin naman si Green, nakakasira ng momentum dahil sa mga dirty moves,  pero sa Thompson, mahirap na talaga yan, ego na rin nagdala sa kanya na hindi tatanggap ng lower salary.