Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Mga uri ng SCAM sa Pilipinas
by
bhadz
on 04/02/2025, 22:12:51 UTC
Share mo na rin dito kabayan kung anong scam pa ang nalaman mo para maiwasan ng ating mga kababayan.
Meron din yun fake hiring/employment scam kabayan. Madalas 'to sa mga messaging apps, telegram, whatsapp, viber pati na din sa mismong numbers natin na may tatawag na hiring daw sila at kung may ilang minuto ka para makinig ng proposal nila. Walang masyadong info sa company, tapos kapag ininterview ka na parang normal process of hiring lang tapos magugulat ka nalang na sasabihin ay tanggap pero sisingilin ka ng application/approval fee para magkaroon ka ng trabaho. Kaya nga tayo nag-apply para magtrabaho hindi para gatasan nila.


Totoo ito kabayan, at gumawa rin ako ng thread para dito na ipinaliwanag ko ang sistema ng pang-iiskam ng mga ito sa tao.
na pinagkukunan ko minsan ng panglibre sa meryenda Cheesy narito ang link para mas lalo pa maunawaan at maiwasan ang mga sindikatong ito

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5528945.msg65025977#msg65025977
Haha, nabasa ko nga sa post sa FB dati na pwede ka makakuha ng 300 pesos na one time lang tapos ng step na yun, iwan mo na sila dahil yun na yung time na mangs-scam na sila. Biruin mo pati mga scammer namumuhunan din para lang pagkatiwalaan ng mga biktima nila pero hindi nila alam, yung iba sa mga nabibiktima nila mas mautak sa kanila at kukuhanan lang ng meryenda. Pero kahit ganun pa man, meron at meron pa ding maloloko itong mga ito, nagte-take advantage ng sitwasyon ng tao lalong lalo na yung gipit at naghahanap ng legit na work.