Another question, any suggestion sa dapat kong ilagay na fees sa cashin/cashout? Pero naisip ko dito gayahin ko na lang iyong majority ng mga tindahan dito for example: cashin (Php 500 + 10) cashout (Php 500 + 15) then from Php 1000 add Php 20 pesos or basta malapit sa rates na yan.
Ang mahal pala ng rates sa inyo, dito sa amin ang dami na ring kumpitensya kaya ang 1k pesos cashin/cashout ay 10 pesos ang fee. Pero kung gusto mo maging matatag, wala namang problema na makipagsabayan ka sa rates at pababain mo yung rates diyan.
Ganito na rin ung labanan dito sa lugar namin pababaan na sa sobrang dami ng naglagay ng ganitong negosyo pagalingan na lang din ng pakikisama para yung mga cliente eh bumalik balik, pinakamahal na ata ditong cash in/out 15 pesos karamihan 10 na lang talaga pero tama sinabi mo magandang makipagsabayan ka dun sa presyo ng mga kalapit lugar mo, madami na rin naman kasing naghahanap ng ganitong sebisyo lalo na kung kaya mo ng mas malakihan basta samahan mo lang ng doble ingat alam naman natin hindi maiiwasan ang mga abusado at manloloko..