---
Madami akong nakikitang ganyan, like yung si @TITO vlog ba yun na nagtuturo ng trading pero napakabasic lang yung mga sinasabi nya, pero feeling entitled professional traders. Naalala ko meron napadaan sa tiktok at yung channel nya bumulaga sa akin at may nagtanung sa post dun sa live nya ata yun habang nagtetrade siya ay tinanung siya kung magkano daw ang minimum deposit sa pagsisimula ng actual trade at ang sinabi nya ay mababa naraw ang 100$ pwede naraw panimula.
Napailing nalang ako sa matandang ugok na itong si @TITO vlog nagcomment pa nga ako sa live vlog nya ang sabi ko nagtuturo ka ng trade and yet ang sagot ko ay kahit 15$ lang pwede ng makapagsimula ng trade whether spot or Futures tapos malaking halaga agad ang sinabi mo(TITO vlog), mga ewan nga na maituturing sobrang nairita ako sa sinabi nyang yun.
Nanonood ako sa kanya paminsan-minsan dahil nag popop up siya sa Facebook ko at sa totoo lang, may mga knowledge akong nakukuha sa kanya pero kung yung mga Technical Analysis niya, hindi ako expert sa trading, pero basic nga talaga yung mga tinuturo niya. Well, ang target market niya is yung mga newbies para makapag-avail sila dun sa system niyang tinawag niyang TPAI kaya para makaattract ng mga newbies, yung mga basics ang ituturo niya. Kumbaga may psychology factor na rin.

Outside sa mga TA niya, sa tingin ko may mapupulot ka pa rin namang mga knowledge sa kanya. Pagdating sa pagiging entitled, wala akong masasabi tungkol jan kasi di rin ako nanonood ng mga live streams niya at nakikita ko lang siya sa Reels.