Bagamat kahindik hindik ang maaring idulot ng COVID-19 sa kalusugan ng isang tao ay makikita pa din natin ang magandang hatid nito sa ating kapaligiran. Maliban diyan, nabigyan ang mga tao ng pagkakataon na ipahinga ang kanilang sarili mula sa trabaho at magkaroon ng oras para libangin ang sarili nila. Sa katunayan, hindi ako nagkakaroon ng sapat na tulog o makakain man lang sa tamang oras sa sobrang busy nung mga panahon na wala pang crisis. Para sa akin, nagbigay daan ito para magfocus ako sa health ko, mapawi ang stress at pagod. Alam ko kasi kung paano din nakaapekto yung lifestyle ko noon sa physical and mental health ko kaya kahit papaano ay magkaroon ng improvements.