Nag warning ang SEC patungkol sa cryptocurrency scam, particularly sa "The Billion Coin" (TBC).
Matagal na itong TBC sikat na sikat nga sya dati dahil sa patuloy na pagtaas ng value. Marami talaga ang naakit bumili dahil nga sa pagtaas ng price nya. Unfortunately isa din ako sa taong naging greedy kumita ng malaki dahil worth 5k ang hinold ko na tbc sa pag aakalang totoo nga yung claim na yayaman ka. Well obviously walang ganon, parang 2016 ata ito naging hype.
Yung mga ponzi scheme hindi yan mawawala hanggat may mga taong greedy kumita agad ng malaki at madalian. Kaya lang sa kagustuhan natin ng easy money, imbis na mag gain eh lalo ka lang mawawalan kaya pag isipan mabuti ang desisyon dahil walang easy money sa online.
Isa sa mga ginagamit nilang front sa kanilang coin ay tumataas ang presyo nito habang lumilipas ang mga araw at ginagamit nila ang statistic ng bitcoin bilang example na ganito din ang mangyari sa price at ma swerte ang early adopter nila.
ewan ko lang sa taong ito kung meron pabang nahihikayat mag invest sa TBC since super kalat at overused na ito at tiyak marami nang aware kung anong klaseng coin pero dapat parin mag ingat ang mga baguhan dito lalo na yung mga naghahanap ng coin na bibilhin at pagkakitaan.
At madami pang ganitong coin ang lumabas na same style ingat-ingat lang, at isipin natin na kahit anong offer na to good to be true ay markahan nyo agad na scam ito.
Kawawa din talaga yung mga taong nabibiktimang patuloy ng mga nanghihikayat sa pag invest sa mga ganitong klaseng project. Nagtatago sa likod ng crypto at patuloy na hinahatak yung mga walang alam para maidamay. Sayang yung pera kaya dapat maging aware sa mga ilalabas na babala ng gobyerno at palagi sanang maging mabusisi bago maglabas ng pera.