Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
TagaMungkahi
on 26/04/2020, 07:53:34 UTC
Wag ka nang mag aral at maghanap ka na ng trabaho Cheesy. Kahit naman hindi nakapagtapos makakahanap ka pa rin ng trabaho eh. Sabi nga ni Robert Kiyosaki "Schools are the biggest scammers" Wink.
Indeed, pero napatunayan ko na din na iba pa din ang may papel. Laki ng discrimination sa ganyan, muntik na nga akong mapasabak sa korea dati para sumama dun sa tropa kong nagtrabho dun. Kaso napigilan  ni waifu ✌️😂.



Also as a student, hindi maiiwasan na may mga teacher na nagpapa activity online which is not good for everyone. Hindi lahat kaya gumastos para sa load, wifi, at hindi lahat may resources to do online activity. Sana maintindihan ng mga professors yun.
Medyo hindi ako sang ayon dito lalo na para sa mga pinapaaral lang ng magulang. Well, hindi naman talaga dapat gumastos sa pag aaral, pero kung ang studyante ay nasa mga semi or private talaga na unibersidad abay kalokohan naman atang magrereklamo ka sa mga gastusin at hindi handa sa mga extra extra at chechebureche ng mga prof. Lalo na kung isa ka lang dakilang palamunin at paaral, at kailangan mo lang gaein ay sabihin ito sa guardian at ang obligasyon mo ay mag aral. Wala din namang naitutulong ang pagrereklamodahil una pa lang nandyan na yan. Kung ayaw gumastos feel free na lumipat o di kaya magpatayo sila ng sarili nilang school.

Ang studyante dapat nagaaral lang maliban kung pinapaaral at binubuhay nya sarili nya tulad ko LoL. Hindi yan dapat sumasalu sa kung ano anong katarantaduhan katulad ng rally o kung ano mang negatibo na hnd naman nakakatulong sa ekonomiya.
Unang una sa lahat hindi lahat ng tao katulad mo na kayang mag sustento sa sarili niyang pag aaral. Ikalawa, Hindi rin lahat ng nag susustento sa sarili niya ay kaya gumastos para sa resources para makapag aral sa bahay at makapg submit ng school works, marami sa mga may trabaho katulad ng service crew(na kadalasang trabaho ng mga working student) ay nawalan ng trabaho dahil merong ECQ.

Provided dapat ng School yun at sa School dapat yun gagawin, eh kaso nga sarado. Gamitan natin ng Logic kung bakit sila nagrereklamo. They are making it Mandaroty with the fact that not all of the students have the resources to do school works from home. hindi pwedeng humindi at magreklamo?,

May nagagawa ang pagrereklamo, lalo na sa mga ganitong bagay dahil tinatanggalan ng pagkakataon (dahil walang resources) ang mga mag aaral na makapag aral nang maayos. Ibang usapin din ang pagrarally at higit sa lahat hindi yan katarantaduhan na negatibo at hindi nakakatulong sa ekonomiya, Kung may lugar lang na pwede mapakinggan ang hinaing ng mga rallyista para sa katanggap tanggap nilang adhikain at reklamo, malamang hindi sila magrarally.
Parang may sinabi din ako na ang tinutukoy ko dito ay yung mga estudyante na nagaaral sa mga pribado at mga paaral lang ng magulang.

And like what I said, bago pa man tumuntong ang studyante sa paaralan na kung ano man yan, nandyan na ang mga patakaran, at tulad din ng sinabi ko maraming choice. Pwede ka naman magaral sa mababa at pampublikong paaralan dun walang gastos sagit ng gobyerno. Pero kung magpupumilit ka na baguhin ang patakaran sa mga pribadong sektor abay isang katarantaduhan at kamangmangan iyon.

Isang tanong para dyan, sino ka ba? Estudyante ka lang, kung ayaw mo dito pwede kang lumipat... Hindi yung magrarally ka dahil mataas tuition. LoL. Nakakatawa yung mga ganyang ugali. Marami akong kilala nakapagtapos sa mga hindi kilalang paaralan pero nasaan ngayon mataas pa ang narating kesa sa mga nagtapos sa mga kilalang paaralan.



Ang point dito yung mga runung runungan, matutong sumunod na lang. Ulitin natin, kung nasa pribado kang paaralan tapos magrereklamo ka kalokohan yun, magtiis ka.

Sa panahon ngayon bro hindi excuse yung hindi sapat. Effort lang ang sagot diyan...

Sagutin ko lang din:

Unang una sa lahat hindi lahat ng tao katulad mo na kayang mag sustento sa sarili niyang pag aaral.
👉Hindi sa pagmamayabang pero Pagsusumikap ang sagot dyan.

-dumaan din ako sa hirap
-naranasan kong hindi kumain sa isang araw
-magtinda sa lansangan
-umextra sa mga kaklase kong tamad
-magservice crew
-mabaon sa utang
-palayasin sa inuupahan

Kung ano man ako ngayon, 25 ako ngayon LoL nagaaral pa rin ako, bago ako makaahon kung ano ano naranasan kong hirap, kaya kung ano man ang mga rason na yan di ko tanggap, dahil bakit ako nakayanan ko... Diskarte lang yan. Yan ang kulang sa karamihan sa kabataan ngayon. Masyadong spoonfeed.

Di porke nawalan ka ng trabho sa pag service crew tigil ka na. May serbisyo ang barangay, may lokal na pamahalaan.

Kung medyo hard yung pananalita ko, sorry po pero hindi ko kasi tanggap ung mga pangangatwiran na ganyan dahil ako mismo naranasan kong kumayod at maghirap. Hindi rin excuse yung kasabihan na "magkaiba tayo" LoL tatawanan ko lang yan. Diskarte ang sagot. Lamang ang madiskarte sa matalino.

Ikalawa, Hindi rin lahat ng nag susustento sa sarili niya ay kaya gumastos para sa resources para makapag aral sa bahay at makapg submit ng school works, marami sa mga may trabaho katulad ng service crew(na kadalasang trabaho ng mga working student) ay nawalan ng trabaho dahil merong ECQ.
Just like what I said, it only applies on students na nagaaral sa mga pribado. Kung ikaw service crew ka at nagpupumilit ka sa makapasok sa private eh anong pagiisip meron ka? Then magrereklamo madaming gastos sa school, may paxerox si prof, paproject. May choice tayo.




Magreklamo yung talagang apektado, pero kung isang hamak na palamunin tapos nakakapag facebook pa at wala kang magawa kundi batikos eh kamang mangan yun, hindi yun pakikiisa o pakikisama sa mga apektado.
Sa halip na ung pagpepeysbuk ng ginagawa ng kabataan eh nagaaral, sa halip na yung ikinekendeng ng mga bata sa tiktok e nagbabasa ng makakatuturan.

Resources napakarami nyan, sa facebook meron din dyan actually ang kaso inuuna ung pangkaligayahan.


And yes, seryoso po ako sa pinagrereply ko ✌️😁
Panget kasi mostly ugali ng kabataan ngayon, Legit.



Lastly pakibasa: (nandito ang punto)

May point naman na kung sa private ka nag-aaral dapat prepared ka sa mga miscellaneous and extra expenses kahit pa sabihin natin na scholar ka lang. Hindi naman din talaga maiiwasan na hindi gumastos kasi nag-aaral ka. Kahit public, gagastos at gagastos ka. Pero I understand parin yung iba na kahit sobrang kapos, pinipilit parin mag-aral para makatapos.

Naiintindihan ko kung ang ibang estudyante at ang kanilang pamilya ay walang wala talaga since hindi naman lahat may kaya. Pero ang ayoko lang din ay yung mga estudyante na nagrarally, na tipong lahat ng reklamo ay dinadaan sa rally. As a student, normal magreklamo pero hindi naman lahat kailangan dinadaan sa pag rarally. Pero kahit ayaw natin, hindi naman natin sila mapipigilan dahil yun ang paniniwala nila.

Ako nga, kapag meron, minsan pinapaloadan ko ang mga kaklase ko pag kailangan nila kunwari pag may activity (para hindi na sila lalabas), pero syempre need parin nilang bayaran kapag nag resume na ang klase.
Sir, I Understand your point po na ito ay patungkol sa mga nag aaral sa Private School Students na nagrereklamo sa School.
I also understans na hindi naman talaga Okay na Magreklamo ang mga students na Anak Mayaman na Nagaaral sa Private na at beforehand , eh alam na niyang magastos tapos nagrereklamo siyang wala siyang resources, Kamangmangan nga po yun.
But let's not generalize po. Here is what i am trying to explain.
1. Let's not disregard the scholars ng mga private schools.
2  Is Online Teaching and Activities really effective to the Phillipine current Education System? For me, Hindi po. Is Mass Promotion a better option? Yes. Stop the Online Classes.
3. And What is the root of Student Complaints? Mahirap po kasi na Generalized and Subjective ang take sa ganitong discussion, and ang context po kasi ng Sinasabi ko is Students na nagrereklamo dahil wala (sila or yung kaklase o kaibigan nila) na resources ngayong ECQ.
4. Magkaiba po ang Diskarte sa mga nabibigyan ng opportunity. Hindi ko iniinvalidate yung Pagsusumikap mo Sir , but your experience and opportunities can not be applied to everyone. "Bakit naman ako nagawa ko, Bakit yung iba hindi magawa" .
"Diskarte lang yan" etc  etc., Hindi po parehas dahil hindi naman po lahat ng tao pare parehas ng opportunities. Regardless kung masipag sila, matiyaga, nagsusumikap kung walang opportunities wala din po silbi ang sipag, tiyaga at sikap ng isang tao.
5. Yung pangbabatikos ng ibang student (na may kaya, palamunin lang at pinapaaral lang) hindi po ba pakikiisa yan sa mga students na walang wala talaga ? Hindi po ba dapat na maging boses ng mga kabataan na mahihirap yung kabataang may kakayahan para ipaabot yung mga reklamo nila? Hindi po ba ito matatawag na pakikiisa o pakikisimpatya?
6. Ang resources po na tinutukoy ko mostly na wala ang mga student is Laptop and Internet. Wala po niyan sa Facebook.
7. Sir I understand din na marami ang kabataan ngayon na aesthetics lang, tiktok, hugot lang. Legit po yan, they are Gen Z problematic talaga karamihan sa kanila but they are not the face of Kabataan.
8. Isa po kasi ako sa natulungan ng pagrereklamo at pagrarally. Kaya ayaw ko po idemonize ang pag rarally at pagrereklamo at iinvalidate na wala itong naitutulong sa mga mahihirap. Hindi ko din po iniinvalidate yung perspective ninyo sa current na issue dahil po sa life experiences ninyo but i am only stating what i think is appropriate perspective on this Issue. Maybe we need an Objective Take or Maybe Let's Just Agree to Disagree, since we have different perspective on this issue.
9. Lastly.......Paano po yang notification na parang text message? Kanina pa ako naghahanap wala akong makita na Tutorial.




Tol we understand your point, pero payag kaba na hanggang ganyan nalang talaga ang education system natin? napag iiwanan na tayo at sobra kaya nag isip ng paraan ang gobyerno kung pano ito ma implement at sa tingin mo ba hindi effective ang online teaching? Well Oo at hindi ang sagot dyan dahil Oo epektibo ito lalo na kung na sa mga estudyante na gustong matutoto at hindi pag bubulakbol ang laman ng utak, pero hindi ang sagot pag ang estudyante ay wala talagang interest sa klase. Kahit sa offline teaching alam naman natin na may mga estudyante parin ang kulang ang interest.


So think about the good sight sa mga plano ng gobyerno dahil malaking convenient ito sa part ng teachers at mga estudyante.




At isa pa Oo nakakatulong ang pagrarally nyo kung maganda naman talaga yung pinaglalaban nyo pero kung ito naman ay walang katuturan at walang pag-unlad o di kayay maitutulong then dapat pag-isipan nyo din cause and effect nito for longterm.




At malamang may initiative  din ang gobyerno or ang eskwelahan ukol sa sinasabi mong may mga ibang walang resources tingnan mo tong picture bilang halimbawa.






Kaya mainam na maghintay tayo sa mga susunod na detalye dahil tiyak alam ng gobyerno ang mga flaws nito dahil hindi naman talaga lahat kaya may resource kaya tiyak may ilalaan na programa ukol dyan para sa mga scholars.


Pero sigurado naman ako lahat ng scholars ay may smart phone lahat ng students so malamang kaya rin nila makipag video call or other video streaming gamit nito, at kung tungkol sa load naman tiyak naman mahahanapan yan ng paraan. nahanapan nga ng paraan pang ML,nood korean movies,facebook at iba pa yun pa kayang  pag aaral na.

Sir, Ang point ko let's not generalize. Hindi naman talaga effective ang online teaching dahil unang problema diyan is resources hindi lang ng students kundi pati ang teachers at eskwelahan. May initiative po ang ibang schools, Good for them pero hindi lahat kaya ang ganyang initiative and pro active response lalo na sa gitna ng pandemic. I understand all the points from other users as well. Ang jinujustify ko lang is, Let's not generalize , specially if we can't put our shoes to their own shoes and sympathize with them.
Specially sa assumption na lahat naman ng scholars may smartphone. We don't have that data to justify this statement. Generalized Masyado yung Idea na kaya namang gawan ng paraan which pushes to the illusion that there is no problem, eh meron nga po eh kaya merong complaints.