Search content
Sort by

Showing 20 of 769 results by care2yak
Post
Topic
Board Bitcoin Discussion
Re: Trump announce Crypto Strategic Reserve (BTC, EHT, XRP, SOL, ADA)
by
care2yak
on 07/03/2025, 08:36:26 UTC
The US primarily holds seized Bitcoin and some Ethereum. There are no seized holdings of solana, ripple, and cardano. The crypto strategic reserve is mainly btc and eth. The rest were just mentioned to pump those assets and have their insider reap gains I think...
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 03/03/2025, 12:42:11 UTC
Oh, nice, first time ko kase makarinig ng experience from binance desktop user regarding sa ban ng NTC. How about yung experience? Hindi ba lag? Kase may mga users dito na nakaka access pa rin ng mobile app pero medjo laggy na daw or something similar. Sayo ba, okay lang?

Ok lang naman. Yung pag lag, ibig sabihin lang nun is lumang version na nung app yung in use. Need to update na. May regular updates din kasi yung apps tulad na rin ng ibang mobile and desktop apps. Nung una kinabahan ako dahil may lag tapos dumating yung point na di na ko maka transact. Nung nagsearch ako sa reddit, may user dun na nagsabing need to update app, so yun ang ginawa ko. Ayun, ok na ulit.

Gumagamit lang ako ng vpn pag need to download new app version sa binance.com, after that, off ko na ulit vpn ko.
Post
Topic
Board Pamilihan
Merits 1 from 1 user
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 02/03/2025, 13:58:25 UTC
⭐ Merited by PX-Z (1)
Ang gamit ko pa rin is binance desktop. Ok naman, no need mag vpn. Wala din akong binago sa dns. Pag bumagal na or hindi mag open, need lang mag update ng app. After that, ok na uli.
You mean yung desktop app ng binance? Oh, never heard about this sa ibang users if inaccessible din ba sa kanila yung desktop version aside sa sa banned yung website url nila ng NTC at nung mobile app both ios and android nila probably related ito sa IP address. Rare talaga cases experience ng tulad sa inyo na pwede pa ma access yung site/apps ng binance, anu ISP mo pala if you don't mind?

Yes, desktop app ng windows. Provider globe and pldt. Yung sa browser and di ma-access, pero yung app gumagana. Wala pa akong naging problem. Naa-aacess ko din sa mobile ios pero mas gusto ko yung sa desktop dahil parang sa web browser lang din ang look kaya kita mo lahat yung order book and yung chart.
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 12/02/2025, 10:20:25 UTC
Salamat sa mga replies and suggestions nyo pong lahat. Di ko na tinuloy. Una dahil kinabahan ako  Cheesy  and second, di ko din pala magagamit yung bills payment nila sa credit card dahil maximum allowable amount ng transaction is only 50k, so di rin pala pwede dun magbayad kung ang need bayaran is above 50k. Ang good news, active pa rin pala yung account ko dun kahit na di ko na na-open since 2019 ata. Nag iba na pala ang look and ang dami na nilang coins. Yun nga lang, super lapad ng spread nila sabi ng kapatid ko.

Ang gamit ko pa rin is binance desktop. Ok naman, no need mag vpn. Wala din akong binago sa dns. Pag bumagal na or hindi mag open, need lang mag update ng app. After that, ok na uli.

Salamat uli sa mga suggestions. Happy trading everyone!
Post
Topic
Board Pamilihan
Merits 5 from 1 user
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 04/02/2025, 13:16:01 UTC
⭐ Merited by nutildah (5)

Maganda po nyan sa support po mismo ng coins.ph po kayo magtanong tungkol dyan kung sakali man na ganun nga ang mangyayari. Pero kung ako tatanungin wala naman sigurong magiging problema kung sa maayos na paraan naman yung funds manggaling mula sa Binance. Pero possible din naman na pwedeng hindi nga irelease yan kaya mainam talaga na sa support ka ng coins.ph magtatanong.

Anyway bakit mo kailangan bumalik mong bumalik sa coins.ph, may problema na ba sa Binance?

babalik lang para mag exchange to peso and gumamit ng bills payment nila. no problem with binance. di ko iiwan ang binance. maayos ang funds ko and di galing sa anomalya if that is what you mean. been in crypto since 2015, same with coins -- since 2015 pa acct ko sa kanila.

kaya lang ako nagtanong dahil gusto ko malaman if may naka experience nun dahil nabasa ko somewhere na nawithhold ang funds nya dahil galing sa binance. walang kwenta ang customer service ng coins base sa huli kong experience sa kanila. nung umpisa nila, Maganda ang communications nila. Ewan ko lang ngayon nung nagchange na sila ng mgt. pero malabong makakuha ng matinong sagot lalo na at ang itatanong ko is about binance dahil banned nga ang binance sa ph and sila ang kauna-unahang exchange na natutuwa sa sinapit ng binance sa ph.

Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 04/02/2025, 05:44:02 UTC
Share ko lang experience ko ulit kay coins.ph, madalas ko silang gamitin para lang mag exchange at mag trade ng mabilisan. Tapos nagtry ako mag send ng mga xxxx amount ng USDT sa kanila para ibenta dahil need ko ng funds, ito yung bumungad sa akin. Madali lang naman yung form pero parang nakakahassle naman na need mo iverify at magfill up ng form na sayo yung funds.
Never experience that situation pero I think gusto lang siguro nila maklaro na ikaw ba mismo yung nag send sa funds na yun dahil baka suspicious yung destination sa platform nila yung destination ng funds na sinend mo.

Pero natanggap mo din ba agad pagkatapos mo ito e verify?
Natanggap ko naman agad kahit di ko pa vineverify pero nagverify pa rin ako. Siguro tama ka nga na gusto nila malaman kung sa akin ba talaga pero imposible naman kasi magkaroon lang ng random na sending ng fund sa address ko kung hindi ko naman gagawin.




kapatid, may question ako. natetempt akong gamitin ulit yung coins acct ko  para lang sa mabilisang exchange. nagka-prob ka ba kapag galing binance yung funds? nakalimutan ko na kasi kung saang forum ko nabasa na kababayan natin na nagtansfer ng funds from binance to coins pero di daw na-release yung funds nya? thanks.
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 04/02/2025, 05:38:02 UTC
For me honestly none. Kasi I never tried other app since I discovered P2P ng binance.

I thought Binance wasn't available in the Philippines anymore...


Download the Binance desktop app. No need for vpn
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
care2yak
on 09/03/2024, 14:58:53 UTC
Looks like na delay ang ban ng binance dahil sa in-between na discussion ng binance at SEC PH. Hindi na mention kung kailan na naman ang next deadline ng SEC but it looks like na okay na mag transact sa Binance. Para kaseng ang daming na lugi sa atin dahil sa paggamit ng local exchanges na ang baba ng selling rate at ang taas ng buying rate at nag ka kanda litche-litche mga apps nila ng mag spike ang price ng bitcoin.

Source: SEC delays decision on Binance ban

Thanks for sharing this article. Pag babasahin yung article, mapapansin nyo yung reason kung bakit nag decide ang SEC na mag initiate ng action against Binance -- dahil nagpead guilty na nga si CZ sa accusation ng US ng money laundering violation. Naka base ang decision sa probe ng US  Angry hindi dahil sa nag-scam ang Binance ng mga Pinoy at secondary lang yung walang license.

Yung dalawang forex trading sites nagawa na nilang i-block. May na-scam ba yung mga yun? Di ko alam. Itong sinabi ng new SEC Chair parang mas applicable dun sa may mga license eh. Naiipit ang funds ng mga users dahil sa mga problema ng platforms nila.

“We thank the NTC for supporting our campaign against investment scams and other predatory financial schemes toward the protection of the investing public,”

“The directive of the NTC will greatly help in preventing the proliferation of investment scams. The SEC and NTC will continue to work closely together to take similar actions on other platforms facilitating illegal investment-taking activities and other predatory financial schemes,”
--SEC Chair Emilio Aquino

Sana nga maayos ng Binance ang pagcomply dito sa Pilipinas dahil yung mga may license dito sa Pilipinas ang mga mas mukhang shady and operations and mas parang mangi-iscam ng mga Pinoy. As if nga naman ang taas ng trading volumes nila para magkaron sila ng mga outages at nangyayari lang yun tuwing gumaganda ang price. Ang mga platforms nila nagkakapalpak palpak tuwing bull season, and ang daming excuse para hindi mag release ng user funds.

Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
care2yak
on 02/03/2024, 01:07:52 UTC

Trade at your own risks ang mangyayri kung gagamitin natin ang Binance kasi anytime pwede na nila i restrict ang Binance sa Philippine territory kaya kahit panandalian lang wag nating isipin na gamitin baka doon pa sa pagkakataoon na yun tayo abutan ng restriction.


True, agree with you kabayan. Palagay ko may nagaganap na trial and error activities -- but I could be wrong. Guess ko lang naman dahil nagkakaron na ko ng dns failure and nadadamay yung mga pinagkukunan ko na supplier ng cosmetics raw materials sa Thailand, Australia, etc. Walang problema sa pag access ng streaming sites pero medyo medyo may katagalan sa pag connect sa offshore merchant sites. Nag dns failure ako ng minsan sa binance, pero ok na ngayon. So, yup -- trade at your own risk
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
care2yak
on 29/02/2024, 05:35:26 UTC

Tumitingin ako sa any crypto news site or pages kung may update ba sa case nato pero wala padin akong nakikita

May update na kabayan sa BitPinas at mukhang hindi pa nila nafafinalize kung paano nila gagawin yung ban, so most likely hindi na matutuloy yung plano nila para bukas:

  • “The SEC is currently evaluating all possible ramifications of the blocking, including implications to Filipino customer funds. We are also working with other government agencies on the procedure of restraining unregistered entities’ operations in the Philippines.”

"implications to Filipino customer funds...." yes, buti naman pala at concerned sila. haha! Dahil:

1. marami pa rin ang hindi nagpu-pull out ng funds dahil either marami pa rin ang hindi aware sa issue or marami talaga ang ayaw magpull out ng funds nila sa exchange.
2. malamang nababalitaan nilang marami ang nagbabalak na lumabas ng bansa para maka access pa rin ng Binance lalo na yung mga big fish and marami sila sa bansa natin lalo na yung mga beterano na sa crypto. So ayaw nila ng outflow of funds. Imbes na umikot ang pera sa Pilipinas, lalo namang dadami ang lalabas ng bansa at gagastos ng pera sa ibang country so, kamusta naman ang economiya nila di ba... mas tataas ang percentage ng capital outflow.
3. Undesirable ang epekto ng malakihang capital outflow dahil magkakaron ng perception ng weakness sa economiya ng bansa natin. Buti naman at napapaisip sila...


"...working with other government agencies on the procedure of restraining unregistered entities' operations in the Philippines"

Baka ngayon nila naunawaan na may mga proseso pa muna silang tuparin bago nila magawa yung pag block ng access...

Thank you for sharing this update kabayan! Siguro mas mainam na magkaron na lang sila ng positive na resolution para lahat masaya.
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
care2yak
on 27/02/2024, 02:15:36 UTC
Siguro nagkasubuan na lang or merong malaking inplwensya sa may mga pangalan ng korporasyon na  nais makinabang kung sakaling matuluyan na nga yung pagpapablock  ng binance services sa bansa. Tignan na lang natin kung ano pang development ang magaganap patungkol dito.

Tama ka, kabayan. Feeling ko nga din may mas malalim na dahilan kung bakit may mga moves ang SEC to prohibit users from using binance other than lack of business license, and para mapilitan ang mga users na gamitin ang local exchanges... control of wealth yan. Control will happen one person at a time.

Kung pagbabasehan natin ang mga binibitawang salita ng mga taga world economic forum, world bank, etc. ang kilos ng mga bansa ngayon is toward regulation of crypto. Financial disruptor kasi ang crypto, nasisira ang diskarte ng mga financial institutions dahil imbes na controlado nila ang finances ng mamamayan, dumarami ang yumayaman ng biglaan dahil sa crypto.

Kung susundan yung timeline mula nung magsimula ang binance hanggang sa ngayon, nung 2018 pa lang, mga more or less a year after magsimula ang binance, iniimbistigahan na sila ng US govt regarding "unlicensed money transmission", money laundering, and processing payments for criminals kuno (https://www.reuters.com/markets/us/us-justice-dept-is-split-over-charging-binance-crypto-world-falters-sources-2022-12-12/)

Bongga di ba, hanggang ngayon di pa tapos ang kaso anong taon na. As if naman ang mga banko di dumadaan sa kanila ang pera din ng mga kwestionableng tao...

Kaya ang bansa naman natin, sakay din... Although di naman ako against sa idea na dapat magparehistro na rin sila para everybody's happy. Baka kasi nagaantayan lang sila. Sa end ng Binance, baka naghihintay sila ng paghain ng formal complaint. Sa end naman ng SEC, enough na sa kanila ang advisory  Roll Eyes


Alam mo, ang mga nag push talaga diyan na i ban ang Binance ay yung competitors ng Binance sa Pilipinas na nagbabayad ng tamang buwis. Kasi kung tuluyang ma ban ang Binance, syempre papasok sa kanila ang pera para doon nalang mag trade sa kanila.

Yup, kasi regulated na sila eh. Kaya nga lumampas ka lang ng konti dun sa quota mo, mahohold agad yung funds mo and masususpend yung acct mo. Need mo ulit dumaan sa mga verification and magsubmit ulit ng documentos which is hassle kasi di ka naman kawatan and natural lang sa crypto ang tumaas ng bongga yung value ng hawak mong currency. Pero dahil kailangan ma-control ang wealth ng isang indibidwal, as user, di ka makadiskarte ng bongga dahil kailangan bantayan mo yung quota mo para di masusupindi yung account di ba?

Pero tahimik nga... baka naman may nangyayari na sa background or sabi ko nga, baka naman nagaantayan sila. Yung isa naghihintay ng formal complaint, then yung isa naman ang akala, sapat na yung ginawa nilang hakbang...
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 26/02/2024, 14:16:00 UTC
Anyone here already experienced na lock yung account tapos pinapapunta sa office ng coins.ph para maretrieve yung balance or need magsubmit ng proof of income para maclaim yung amount?

Recently kasi ay naopen ng asawa ko yung coins.ph nya tapos may naiwan palang ETH na balance na ngayon ay malaking halaga na. Matagal ng hindi active yung coins.ph account nya. Nakakagulat lang na naglolock pala sila ng account na may balance kapag hindi na ginagamit.

Planning to go on theiroffice at Ortigas. Asking lang kung macla2im ba same day yung funds para hindi sayang ang drive. Ito talaga ang hirap kapag nagiiwan ng funds sa custodial wallet.  Cheesy
May mga nabasa lang ako dati pero maclaim mo naman yan. Gaano kaya kalaki yang naiwan na funds diyan at ETH pa?  Grin
Posible siguro noong bear market pa yan na naiwan diyan tapos naging dormant yang account na yan tapos tinry iwithdraw ng asawa mo tapos nadetect ni coins.ph na may sudden transaction na requested mula sa long time account na walang activities. Kung sinabi naman nila na ibibigay ang fund at need mo ng personal appearance ay kapag pupunta ka, dalhin mo na lahat ng necessary documents at IDs para hindi ka na magpabalik balik pa just in case lang naman.

Update on this. Nakapag claim na kami ng stuck funds namin. Hindi naman ganun kalaki pero sapat na dn naman. Hehe. Bali nag enhance verification nalang kami gamit ang BIR certificate of registration namin sa business as proof of income at iba pang verification gamit ang ID.

Mas ok na din itong verification since naka hassle magtravel sa Ortigas dahil walang kasiguraduhan kung makukuha na agad yung funds or babalikan pa.

Moral ng story ay huwag na huwag magiwan ng funds sa mga ganitong wallet kahit na maliit na amount lang dahil may chance na tumaas ang value in the future tapos hindi mo magagamit agad dahil naka freeze ang account mo due sa inactivity.

Congrats, kabayan! Happy for you and your wife dahil nakuha nyo na ang inyong funds. Thank you for sharing your experience with us dahil kahit papaano, may lesson din kaming natutunan. Kind regards!
Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Aside from crypto ano pa pinagkakaabalahan nyo? (2)
by
care2yak
on 25/02/2024, 10:34:20 UTC
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?

Tindera ako ng food supplement. Kapag walang customer, gumagawa ako ng sabon, shampoo, conditioner, powder detergent, liquid detergent, lotion, scented candles, resin crafts, cement jars habang nakabukas ang binance at ang mt4  Grin Di pa naman ako nahihirapan...

•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?

Depende sa pasok and ikot ng sales. Minsan marami, minsan matumal. Paang crypto trading, minsan bullish, minsan din bearish. Masaya pag bullish, lahat ng needs ay nabibili. Kapag bearish, tipid tipid din and nai-istress lalo na kapag anjan na si judith  Cheesy

•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?

Hindi natin alam ang panahon. Sa nangyayari sa mundo ngayon, lalo na sa mga balitang magkakaron ng financial crisis ang mundo, pwedeng mawala ang lahat. Ang mahalaga, meron tayong skills para kahit ano pa ang mangyari, may kaalaman tayo para mag create ng wealth.

•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?

Yup for me tama dahil kilala ko sarili ko, ayoko ng may amo kaya hindi ko pinangarap ang maging empleyado. Yun ang maganda sa sales, boss mo sarili mo. Kapag di ka nagsucceed, fault mo din dahil hawak mo ang oras mo and yung productivity mo, ikaw ang may control. Pag tinamad, tamad din pumasok yung income...
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Binance being banned in the Philippines in a few days
by
care2yak
on 25/02/2024, 05:40:00 UTC
Palagay ko mage-extend pa yan. Maganda ang trading and farming ngayon sa Binance. May traders din jan - within the agency - kailangan din nila ng pera...  Grin
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 25/02/2024, 05:10:29 UTC
Iba na kasi si coins.ph now eh hindi na tulad ng dati yung coins.ph na pwede lang for holding now is para na silang mga gcash, or maya din na pwede kang mag transact into other banks or other wallets which is convinent para sa atin, tsaka yung load din pero ang pinaka feature nila is supporting the use of the crypto buy and sell.

Noted sa info mo kabayan kasi actually ako di ako aware na mayroong silang fees madalas kasi may laman yung sakin iniiwan ko lang para incase man turing inactive or atleast may extra money ako if wala nang laman ung other funds ko.

Same tayo kabayan. Di ako aware dahil matagal ko nang di ginagamit ang coins. Di ko din alam na applicable sa mga ganyang platform ang dormancy and dormancy fees. Kala ko sa banko lang yun. Nalaman ko na lang nung magsearch ako about sa concern ng kabayan nating nag iwan ng funds nila sa coins.

Magkano kaya ang icha-charge ni coins sa kanila after nilang maipasa yung kyc nila and proof of acct. ownership? Kasi dun sa article ni bitpinas, ang sabi is sa peso wallet sila magde-deduct ng fees until magzero or until such time magkaron ulit ng transaction yung user para mareactivate yung acct, whichever comes first.

Pero kapag nasa crypto ang funds, walang magaganap na deductions. Magsend din daw sila ng email sa user para magremind na malapit na ma-declare na inactive yung acct and magsisimula na silang mag deduct ng inactivity fee. To remain active, kailangan daw is may transaction ang account per year.

Ibig sabihin ba nun, kung ilang years yung inactive na account ni kabayan multiplied by yung monthly fee, yun yung halagang babayaran ni kabayan and wife nya after nila ma-prove na kanila yung account?

About sa ibang digital wallet -- GCash and Maya, buti na lang pala nagsearch ako dahil pag nagkataon, may dormancy akong babayaran sa Maya dahil halos di ko naman ginagamit pero nag iwan ako ng funds dun sa crypto and savings nila. Balak ko iwanan lang eh para pag mataas na, tska na ko mag cash out. Nagtesting lang ako dun sa crypto ng worth 1k. Kumita naman na ng 1,800 pero pinababayaan ko lang dahil may nabasa ako sa ibang kabayan natin na bongga yung spread dun kaya bongga din mawawala sa profit mo.

Kung naka-prepaid ka, coins na lang siguro gamitin mo pang load para kahit papano active. Sayang din naman kasi yung iniwan mong funds dun sa kada 15 pesos per month na inactivity fee.

Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 23/02/2024, 04:10:40 UTC

Question... naka lagay ba sa terms of use nila na dapat laging active ang account? ....snipped....

Probably wala ito sa terms and services nila since crypto wallet ang inooffer nila pero dahil may regular KYC ang wallet nula kaya dapat ay gamitin mo ang wallet mo at least a year para mag update ng KYC since requirements ito ng government para matrack lahat ng user nila.

....snipped.....


Nag announce pala ang coins.ph last year na magsisimula na silang mag deduct ng 15 pesos per month starting January 30, 2023 sa peso balance ng mga users kapag walang activity ang account for at least 12 months.

Ngayon ko lang nalaman  Cheesy buti pala nagsearch ako dahil sabi ng AI ni microsoft, ganyan din pala ang terms ng GCash and Maya... Kaya, yeah, pa-kyc pala talaga ulit ng paulit ulit, taon taon


Quote
GCash’s terms and conditions state:

“GCash may charge dormancy maintenance fees to GCash Wallets that have not been used for any monetary transaction at least six (6) months from date of the last transaction. The maintenance fee shall be automatically debited from the User’s Wallet… GCash Wallets that remain inactive for six (6) months and with zero balance shall be automatically deactivated without further notice. (Dormancy fee ₱50).”

Maya’s terms and conditions state:

“In case of dormancy, the Account may be zeroed out as a result of fees charged. In this case, PayMaya shall have the discretion to close or purge the account in accordance with the applicable laws, rules and regulations. (dormancy fee (1% of the balance with a maximum ₱ 30.00/month)”

Source: https://bitpinas.com/news/coins-ph-to-charge-15-per-month-for-inactive-accounts/

Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 23/02/2024, 02:24:07 UTC
Sabagay, kasi dapat sila din ang maginitiate kung talagang concern sila sa mga end-users nila, may laman pala yung account/wallet sana nagpadala sila ng notice para naasikaso ng may ari at para patuloy pa rin na gamitin ang serbisyo nila, medyo mas okay na sa kin na payagan na makuha yung pera tapos tsaka eh permanent ban kesa hindi mo na makuha yung pera tapos ganun din naman yung gagawin sa account mo.

Wala talaga tayong magagawa kung anoman yung magiging outcome ng issue ni kabayan, sa pagitan na ng asawa nya at ng coins.ph ang magiging sagot dito.

Question... naka lagay ba sa terms of use nila na dapat laging active ang account? Nakasaad din ba na kapag inactive ang account, ibig sabihin abandoned na yung wallet? Ang nature kasi ng mga crypto holders is HODL di ba? Pwede ba nilang isipin na kaya hindi gumagalaw yung account is talagang gusto lang ng user is maghold until such time na satisfied na siya sa exchange rate at doon lang sa time na yun nya pagagalawin yung funds nya? Nakalagay ba sa terms nila yung duration ng inactivity para ma-declare nilang dormant na yung account and abandoned na nga? Kasi kung wala yan sa terms nila, wala silang karapatan dun sa funds mo and nararapat lang nilang i-release yun dun sa owner ng account di ba...
Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024
by
care2yak
on 22/02/2024, 08:53:34 UTC
⭐ Merited by Wapfika (1)
Inaayos na rin siguro yan ng Binance... ito yung reply nila dun sa nag inquire na kabayan natin...

Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Binance being banned in the Philippines in a few days
by
care2yak
on 22/02/2024, 08:30:16 UTC
Marami pa akong hindi nilipat lalo na mga erc. Pero yung bnb and fdusd nasa launchpool kasi, participant kasi ako sa farming so sayang yung dagdag kita doon. Ganda ng returns nung last, yung PIXEL, 300usd din yung bumalik sakin dun so not bad. Yung bago ngayon is PORTAL naman, farming for 7 days.

Kung may ganyan sana yung mga local exchanges, baka dumami ang traders na gagamit ng platform nila. Ang tanong, kung sakaling magkaron ang local exchanges ng farming ng new coins at ang returns mo ay 500k pataas, may assurance ba sila na di sila magsuspend ng account? Paano yung amla? Kasi paano kung sa isang araw, nag scalping ka so in and out ang funds mo and lumalaki ang funds mo, paanong sistema nun? Masususpinde ka ba or kukunin nila yung funds mo dahil mahusay ka magtrade at lumaki ng husto ang profits mo?
Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 10/02/2024, 09:01:35 UTC
Maaring tama ka @care2yak... pero assumption lang din yang sinasabi kung sino man ang abugado.

Ang SEC issuance ay galing sa agency ng Pilipinas, government yan, kaya maaring ma implement yan kung gustohin nila. Maaring mahaba pa ang proseso na ito patungkol sa pag block ng Binance sa kanilang website. Sa sinasabi mong kailangan ng court order at maghaharap ang Binance at Government, sino kaya ang papayagan? Ano naman ang laban ng Binance kung sila mismo walang business registration dito sa Pilipinas, or wala man lang assurance na kukuha sila at mag cocomply para maayos.

Nakikita naman natin ang habol ng SEC dito, magregister sila para kumita ang bansa natin through taxes, pero hindi nila ginawa yan. Kung na penalize sila mismo sa US na mayroon silang license to operation doon sa pagkakaalam ko, dito sa Pilipinas hindi sila ma penalize, kasi hindi sila regulated ng agency natin, kaya ang option ay i block nalang para mapilitan silang kumuha ng license.

Basta ang alam ko, dapat "prevention" lang gawin natin kahit optimistic tayo na hindi ma bablock ang Binance, kaya ready lang anytime dapat.


I agree, assumption sya pero backed by legal basis kaya naishare ko yung post sa BitPinas. Marami na kasi ang involved sa crypto and crypto trading -- kasama na jan ang samu't saring mga propesyon including accountants, doctors, politicians, and lawyers mapa private mam or gov't employed. And I'm sure na Binance na yung pinaka convenient para sa atin. True na ang SEC ay gov't institution pero may sinusunod pa rin tayong constitution, mga legal codes and ang kagandahan dito sa atin dahil tayo ay isang democrasya, may due process. Kaya naniniwala akong hindi yan basta basta maipapatupad unless bigla tayong maging tulad ng china na communist country. Pag sinabing block, blocked.